ni Mary Gutierrez Almirañez | March 18, 2021
Nakikipagnegosasyon na ang Pilipinas sa mga international vaccine manufacturers sa posibilidad na makagawa ng sariling COVID-19 vaccines ang bansa, ayon sa pahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr..
Aniya, “Before we were the ones who were producing our vaccines and even donating it to other countries such as China. President Duterte is more inclined in his earlier statement to reactivate and revive that capability.”
Kaugnay nito, inihayag din ng Vietnam na inihahanda na nila ang Nanocovax COVID-19 vaccines para maging available sa ika-apat na bahagi ng 2021.
Anila, ang pagbuo ng sariling bakuna ay mainam para mas malabanan ang lumalaganap na pandemya. Sa ngayon ay Sinovac at AstraZeneca pa lamang ang mga bakunang nasa ‘Pinas kung saan tinatayang 240,297 indibidwal na ang naturukan kontra COVID-19 simula noong ika-1 ng Marso.