ni Lolet Abania | June 15, 2021
Mahigit sa 7 milyong doses ng COVID-19 vaccines na ang na-administer sa mga mamamayan hanggang nitong Hunyo 14, ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr..
“As of yesterday, June 14, we have already breached 7 million jabs administered,” ani Galvez sa isang Senate hearing ngayong Martes.
Sa kanyang presentasyon, binanggit ni Galvez na may kabuuang 7,045,380 doses ang naibigay sa mga kababayan natin simula Marso 1 hanggang Hunyo 14.
Kabilang dito ang 980,471 medical frontliners, 486,945 senior citizens, 429,301 person with comorbidities, at 7,067 essential workers na fully vaccinated na may kabuuang 1,903,784 doses ng COVID-19 vaccines ang naibakuna.
Samantala, may 5,141,596 indibidwal naman ang na-administer ng first doses ng COVID-19 vaccine kabilang ang 1.452 milyong medical workers, 1.753 milyong senior citizens, 1.754 milyon sa persons with comorbidities, at 182,130 sa essential workers.
Sa kasalukuyan, mayroong 3,944 vaccination sites ang nailatag na ng pamahalaan.
Sa 12,705,870 COVID-19 vaccines, nasa 10,374,850 ang nai-deploy ng gobyerno sa mga vaccination sites.
Sa parehong presentation, sinabi ni Galvez na nakamit na ng gobyerno ang isang milyong jabs kada isang linggo na nangyari nitong magkasunod na linggo.