ni Lolet Abania | June 15, 2021
Magbibigay ang gobyerno ng Japan ng donasyong AstraZeneca COVID-19 vaccines sa Pilipinas, ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ngayong Martes.
“Glad to be the bearer of good news today! Japan will donate AstraZeneca vaccines to the Philippines, and we’ll make sure to deliver them at the soonest possible time so no one gets left behind during this pandemic,” ani Koshikawa sa kanyang Twitter.
Una nang inianunsiyo ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III, ang tungkol dito sa isang pagdinig sa Senate of the Whole kung saan tinatalakay ang paggamit ng gobyerno ng P82.5-bilyong budget para sa vaccination program.
“Japan Foreign Minister Toshimitsu Motegi just announced this morning the donation of Japan-made AstraZeneca vaccines to some countries, including the Philippines,” ani Dominguez.
“We have not yet been officially informed of the number of doses that are going to be donated by Japan,” dagdag ni Dominguez.
Sinabi rin ni Dominguez na maraming mayayamang bansa ang pumayag sa kasunduan na mag-donate ng 1 bilyong doses ng COVID-19 vaccine sa World Health Organization-led COVAX Facility.
“The decision taken during the G7 summit this weekend, for the rich countries to donate a billion doses to COVAX could significantly increase our allocation,” sabi pa ng kalihim.
Ayon naman kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., nakatanggap na ang Pilipinas ng kabuuang 8,329,050 COVID-19 doses mula noong Pebrero hanggang Mayo.
Nitong Hunyo, ang target naman ng gobyerno para sa mga COVID-19 vaccine deliveries ay umabot ng 10,804,820.
Samantala, tinatayang 11.670 milyong COVID-19 vaccines ang inaasahang dumating sa bansa sa July.
Ayon pa kay Galvez, inaasahan naman ng pamahalaan na makakamit natin ang target na herd immunity sa National Capital Region (NCR) at kalapit-probinsiya sa Nobyembre.
Nais din ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 70 porsiyentong populasyon ng mga Pilipino upang makamit ang herd immunity bago matapos ang 2021.
Sa ngayon, patuloy ang pagbabakuna ng gobyerno sa mga medical frontliners, senior citizens, persons with comorbidities, habang sinimulan naman ang mga economic frontliners.