top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 19, 2021



Dumating na sa bansa ang 365,040 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan noong Miyerkules.


Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang 313,560 doses ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang alas-8 nang gabi. Una namang dumating sa Cebu ang 51,480 doses ng Pfizer vaccines bandang alas-6 nang gabi.


Samantala, sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at United States Chargé d’Affaires John Law ang sumalubong sa pagdating ng naturang bakuna.


Saad pa ni Galvez, “‘Yung karamihan dito, ‘yung bibigyan natin are those areas na hindi pa nabibigyan ng Pfizer. We are trying to roll out to them so that in the future, once Pfizer picks up their deliveries, they are well aware and they are already well trained on how to handle the sensitivities of Pfizer.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 28, 2021



Dumating na sa bansa ang 249,600 doses ng Moderna COVID-19 vaccine noong Linggo nang gabi.


Dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang initial delivery ng Moderna vaccines mula sa United States bandang alas-11 ng gabi.


Sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., Health Undersecretary Carol Tanio, US Embassy Economic Counselor David Gamble, Jr., International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) Executive Vice-President Christian Martin Gonzalez at ilang opisyal ng Zuellig Pharma ang sumalubong sa pagdating ng Moderna vaccines.


Ayon sa National Task Force (NTF), sa 249,600 doses, 150,000 doses ang binili ng pamahalaan at ang 99,600 doses naman ay binili ng ICTSI.


Samantala, inaasahan namang makatatanggap pa ang bansa ng 20 million doses ng Moderna COVID-19 vaccine ngayong taon, ayon sa NTF.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 24, 2021



Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 2 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ngayong Huwebes nang umaga.


Ayon sa ulat, 400,000 doses nito ay binili ng lokal na pamahalaan ng Maynila habang ang iba pa ay binili ng national government.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang Cebu Pacific flight na may lulan ng naturang bakuna kaninang alas-7:26 nang umaga.


Sina Health Secretary Francisco Duque III, Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., at Manila Mayor Isko Moreno ang sumalubong sa pagdating ng Sinovac COVID-19 vaccines.


Samantala, ayon sa datos ng Department of Health (DOH), mahigit 8 million COVID-19 vaccine doses ang naipamahagi na at 2.6 million Pinoy na ang nakakumpleto ng bakuna.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page