ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 19, 2021
Umabot na sa mahigit isang milyon ang naibakuna sa Manila simula nang mag-umpisa ang vaccination program laban sa COVID-19 noong Marso, ayon sa lokal na pamahalaan.
Ayon sa Manila Public Information Office, umabot na sa 1,000,021 ang naiturok na COVID-19 vaccines ngayong Lunes, alas-9:00 nang umaga.
Sa naturang bilang, 657,748 ang para sa first doses habang 342,273 naman ang para sa second doses.
Samantala, patuloy na nananawagan sa publiko si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na magpabakuna laban sa COVID-19.
Saad ni Mayor Isko, “Sama-sama tayo na makipaglaban at proteksiyunan ang bawat isa sa atin, bawat tao. Hindi lang dahil tayo ay taga-Maynila, kung hindi bawat mamamayan.
"Huwag tayong matatakot. Huwag tayong susuko. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Mananalo tayo. Siguradong mananalo tayo.
“Magtulung-tulong tayo. Tayo rin ang magkikita sa finals. Isang bangka lang tayo, wala nang iba.”