ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 15, 2021
Umabot sa mahigit 1 million COVID-19 vaccine doses ang naiturok na sa Quezon City.
Ayon sa QC local government, umabot sa kabuuang bilang na 1,013,988 doses ang naibakuna na simula nang mag-umpisa ang vaccination rollout noong Marso hanggang noong July 13.
Sa naturang bilang, 686,311 o 40.37% ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang 327,677 o 19.28% naman ang fully vaccinated na.
Samantala, paalala ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng babakunahan ng kanilang second dose:
1. Sundin ang vaccination card para sa petsa ng second dose,
2. Bumalik sa parehong vaccination site,
3. Bumalik sa parehong oras at pumunta lang ng 15 minuto bago ang nakatakdang schedule.
Hindi na rin umano kailangang mag-book pa ng schedule para sa second dose at kailangan lamang dalhin ang vaccination card at Valid ID at sumunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols.