ni VA @Sports | February 28, 2024
Nasangkot ang Gilas Pilipinas player na si Jamie Malonzo sa kaguluhan sa isang fast food chain sa may Bonifacio Global City ilang oras bago ang laban nila kontra Chinese-Taipei noong Linggo ng gabi. Kasunod nito ay humingi na ng paumahin si Malonzo kahapon sa SBP.
Ilang sandali bago magsimula ang nasabing laban sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers, isang video ang kumalat sa mga social media channels na nagpapakita sa 6-foot-5 winger ng Ginebra na sangkot sa kaguluhan sa isang restaurant.
Nakumpirma noong Lunes na si Malonzo ang nasa video at ang kaaway nito ay isang mixed martial artist.
Ayon sa ilang sources, nagpaalam si Malonzo na hindi makakalaro sa nasabing laban kontra Taipei dahil sa gastral pain o pananakit ng sikmura.
Naka-checked in noon ang Gilas sa Marco Polo Hotel sa Ortigas.
Matapos magpaalam, nagtungo si Malonzo sa BGC upang bumili ng inumin bago magtungo sa nabanggit na fast food restaurant kung saan sila nagpang-abot ng sinasabing martial artist.
Humingi na ng paumanhin si Malonzo sa pamunuan ng Philippine Basketball Association at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas dahil sa pangyayari.
Ayon kay Gilas head coach Tim Cone may dinaramdam na si Malonzo maging si Justin Browlee pagkaraan ng Gilas road game kontra Hong Kong.
Gayunpaman, naglaro pa rin si Brownlee kontra Chinese-Taipei. “We contemplated bringing him to the hospital. He’s that down and out,” ani Cone.
“We sent our doctors over to him and put him on IV, but I think maybe some of the guys just got dehydrated severely on the trip and we didn’t hydrate well after that. And I’ve got to be more cognizant of that, making sure that the guys are doing that better.”