ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 5, 2021
Nagdeklara ng work and class suspension ang University of Santo Tomas (UST), Manila ngayong Lunes hanggang April 11 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na advisory ng Office of the Secretary-General, mababasang: “In order to allow our stakeholders to focus on their health and family concerns in light of the spike in COVID-19 cases, the suspension of classes and office work is extended to Sunday, April 11."
Samantala, ngayong araw ay nakapagtala ang bansa ng 8,355 karagdagang kaso ng COVID-19 at umabot na sa 143,726 ang aktibong kaso.