top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 9, 2024



Sports News

   

Mga laro ngayong Miyerkules – Araneta

8:00 AM Adamson vs. DLSZ (HS)

9:30 AM UST vs. Ateneo (HS)

11:30 AM Adamson vs. DLSU (W)

1:30 PM UST vs. Ateneo (W)

4:30 PM Adamson vs. DLSU (M)

6:30 PM UST vs. Ateneo (M) 

      

Nagbigay ng magandang senyales ang University of Santo Tomas kung ano ang maging takbo ng kanilang kampanya at dinurog ang University of the East, 70-55, sa pangalawang araw ng 87th UAAP Men’s Basketball Tournament sa Araneta Coliseum Linggo ng hapon. Doble ang kasiyahan at sinimulan ng UST Tigresses ang depensa ng titulo sa Women’s Division sa 86-44 pagparusa sa UE Lady Warriors. 

        

Sa simula lang nakasabay ang UE at itinayo ang 6-4 lamang na agad binura ng UST para wakasan ang unang quarter, 18-8. Humugot ng lakas ang Growling Tigers sa Christian Manaytay, Mark Llemit at baguhan Mo Tounkara bago tinuldukan ni Nic Cabanero ang first half sa three-points kasabay ng busina, 36-19. Lalong nabuhayan ang UST at natamasa ang pinakamalaking lamang, 68-46, sa bisa ng magkasunod na buslo nina Angelo Crisostomo at Cabanero sa last two minutes.

            

Samantala, pumiga ang Tigresses ng 18 mula sa baguhan Karylle Sierba at 15 mula sa beterana Kent Pastrana para sa engrandeng simula. Nagdagdag ng 13 puntos, 13 rebound at walong agaw si Rachelle Anne Ambos.  


Sa sumunod na laro, namayani ang depensa ng Adamson University sa 59-47 tagumpay sa Far Eastern University. Ipinagpag ng Soaring Falcons ang mabagal na simula at bumanat sa second half sa likod nina Royce Mantua, Matthew Montebon, Matt Erolon at Mudiaga Ojarike. 

       

Namuno si Mantua na may 14 habang nagsama para sa limang tres sina Montebon at Erolon para kabuuang 21. Nanguna sa Tamaraws si Jorick Bautista na may 14, walo sa first half.

 
 

ni VA @Sports | June 25, 2024



Sports News

Kinumpleto ng University of Santo Tomas ang sweep sa women's division, habang nanguna naman ang New South Wales Phoenix ng Australia sa men's side sa pagtatapos ng Beach Volleyball Republic on Tour Sipalay leg noong Linggo sa Poblacion Beach.


Pinayukod nina Sofiah Pagara at Khy Progela ang National University tandem nina Honey Grace Cordero at Kat Epa, 21-18, 21-13, upang kumpletuhin ang 4-game sweep.


Nagawa namang nalusutan ng Aussies na sina Killian Donovan at Jett Graham ang matinding hamon mula kina Alas Team-A Ranran Abdilla at AJ Pareja sa huling dalawang sets upang maitala ang  21-13, 17-21, 15-12 panalo at makumpleto rin ang 4-game sweep sa kanilang kampanya.


Nauna nang tinalo ng reigning UAAP champion UST Tiger Sands ang NU sa loob ng tatlong sets noong Sabado. Sa kabilang dako, ginamit naman nina Donovan at Graham na nagtapos na pang-apat noong nakaraang buwang Asian Under-19 Beach Volleyball Championships sa Roi-Et, Thailand,ang kanilang  height advantage upang makamit ang kampeonato.


Sa women's semifinals, ginapi nina Pagara and Progella ang Strong Group Athletics tandem nina Gem at Euri Eslapor, 21-17, 21-16, upang maitakda ang Finals duel nila nina Cordero at Epa na nanaig kontra sa Pontevedra pair nina Erjane Magdato at Perper Cosas, 18-21, 21-14, 15-7.


‌Sa men's division, dinomina naman nina Donovan at Graham ang Cebuano duo nina Samlet Booc at Micael Marabe, 21-10, 21-8, habang namayani naman sina Abdilla at Pareja laban sa UST pair nina Aldwin Gupiteo at Dominique Gabito, 21-15, 21-11.


Nakamit nina Magdato and Cosas ang bronze makaraang igupo ang magkapatid na Eslapor, 28-26, 19-21, 15-13. Naka-podium finish din sina Gupiteo at Gabito matapos walisin ang bronze medal match nila nina Booc at Marabe, 21-13, 21-15.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | April 21, 2024




Nagpakawala ng bangis at ngitngit ang University of Sto. Tomas upang sagpangin ang walang kalabang-labang University of the East sa bisa ng 25-19, 25-9, 25-17 straight set upang paigtingin ang tsansa ng koponan sa paghahangad sa isang puwesto sa top spot para sa twice-to-beat bentahe sa 86th UAAP women’s volleyball tournament, kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.


Binalingan ng Golden Tigresses ang UE matapos na malasap ang masaklap na pagkatalo sa 5th set sa Far Eastern University sa pamamagitan ng 9-25, 25-19, 21-25, 25-20, 10-ational University sa 11-2 kartada para tumibay ang pwesto sa twice-to-beat.


Nanguna sa hatawan si super-rookie outside hitter Angge Poyos na tumapos ng game-high 25 points mula sa 21 atake, tatlong aces at isang block sa loob ng 82 minutong aksyon para pangunahan ang Golden Tigresses sa panibagong panalo. Nagtala rin ang 20-anyos na power-hitter ng panibagong rekord bilang pinkamataas na rookie na naglista ng 268 puntos para higitan ang ginawa ni Faith Nisperos noon sa 267 puntos para sa Ateneo Blue Eagles.


“Masaya ako kasi nakabalik ako ng one hundred percent and ayun nga, bounce back win for us kasi nga marami kaming galaw sa FEU na hindi tama. So ayun, binalikan ulit namin and nag-training kami ulit. Thankful kasi nakuha namin yung panalo,” pahayag ni Poyos.


Matapos makuha ang first set ay nagpamalas ng matinding bagsik sa opensa ang UST ng ilista ang 15-puntos na kalamangan, na kinakitaan ng malupit na down-the-line na atake ni Poyos tungo sa 22-7 na bentahe. Nagawa pang makapuntos ni rookie Cassiey Dongallo, subalit tinapos ni Poyos ang laro sa pamamagitan ng 25-9 panalo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page