top of page
Search

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 9, 2023




USA — Dalawa ang patay at 8 ang sugatan matapos ang stampede sa concert ng American rapper na si GloRilla sa Rochester, New York.


Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa concert nang magsimulang dumagsa at sumugod ang mga tao patungo sa exit, dahil sa isang putok ng baril.


Ngunit sa salaysay ni Rochester Police Lieutenant Nicholas Adams, walang ebidensyang sumusuporta na may nangyaring pamamaril sa concert.


Kasalukuyan namang under-investigation ang tunay na sanhi ng insidente.


Samantala, naghayag din ng pakikiramay si GloRilla sa pamilya ng mga nasawing fans.


 
 

ni Jeff Tumbado | February 16, 2023




Pinag-iingat ni dating Senador Nikki Coseteng ang gobyerno ng Pilipinas sa binabalak na pagbuhay ng mga base-militar sa ilalim ng Enhance Defense Cooperating Agreement (EDCA).

Sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Cafe sa Quezon City, ipinahayag ni Coseteng ang pagkabahala sa aniya’y unti-unting pagpapagamit ng Pilipinas sa Amerika kaugnay sa plano nito na makidigma laban sa China.

May duda ang dating senador na ginagamit lamang ng U.S. ang Pilipinas upang itulak nito na labanan ang China dahil sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Wala umanong naidulot ang U.S. Military Bases sa bansa noong 1990s bagkus ay nagresulta lamang ng paglaganap ng prostitusyon, krimen at ilegal na droga.


Tinukoy pa ni Coseteng na bagsak din ang ekonomiya sa Olongapo City noong naroon ang military base ng U.S. dahil wala naman itong nalikhang malaking trabaho para sa mga Pilipino.

Idinagdag ng dating mambabatas na gagamitin lamang ng mga Amerikano ang bansa para isulong ng U.S. government ang sarili nitong interes na negosyo ng armas tulad ng ginagawa ngayon sa Ukraine.

Matutulad lamang aniya ang Pilipinas sa ibang mga bansa gaya ng Ukraine, Egypt, Vietnam at Iraq na nalugmok sa kahirapan bunsod ng giyera na ginawa ng United States.


 
 

ni Lolet Abania | January 20, 2023




Bibisita si US Secretary of Defense Lloyd Austin sa Pilipinas gayundin sa South Korea sa loob ng ilang linggo para mapaigting ang kooperasyon sa dalawang mga bansa, ayon sa isang Pentagon spokesman nitong Martes.


Sa pahayag ni Pat Ryder, press secretary ng Defense Department, makikipagkita si Austin sa mga senior government at military officials sa gagawing trip, kung saan magiging aniya, “reaffirmation of our deep commitment to working in concert with allies and partners to chart our shared vision to preserve a free and open Indo-Pacific.”


Ginawa ang naturang anunsiyo sa ginanap na press briefing, matapos ang mga top foreign at defense officials ng United States at Japan ay mag-meeting noong nakaraang linggo sa Washington.


Sa itinuring na two-plus-two meeting, sina Austin at Secretary of State Antony Blinken kasama ang kanilang Japanese counterparts na sina Yasukazu Hamada at Yoshimasa Hayashi ay kapwa sumang-ayon para sa tinatawag na bolster deterrence laban sa China, North Korea at Russia.


Ang ganitong pagsisikap ng US na pag-reinforce ng deterrence kasama ang kanilang key allies sa Indo-Pacific region ay malamang na pag-usapan din sa meeting sa Pilipinas at South Korea.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page