top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @World News | July 14, 2023




Nagsagawa ng imbestigasyon ang White House hinggil sa nangyaring hacking ng ilang emails ng kanilang government agencies at organizations.


Ibinunyag ng Microsoft na galing umano sa China ang hackers na nakapag-access sa mga email accounts ng ilang ahensya sa U.S.


Ito ay kinumpirma ni U.S. National Secretary Adviser Jake Sullivan pero agad nila itong naagapan at nagsagawa na ng imbestigasyon.


Mariin naman itong itinanggi ng China at sinabi na ang U.S. ang isa sa pinakamalaking hacking empire at global cyber thief.


Giit pa ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin, nararapat umanong ipaliwanag ng U.S. ang kanilang cyber attack activities at itigil na ang pagpapakalat ng

mga maling impormasyon.


Sa panig naman ng Microsoft, nakikipag-ugnayan na sila sa U.S. Department of Homeland Security at Cybersecurity and Infrastructure Security Agency.


 
 

ni Jenny Rose Albason @World News | July 12, 2023




Nananatili pa ring matatag ang samahan ng U.S. at United Kingdom. Ito ang pahayag ni U.S. President Joe Biden sa pakikipagpulong niya kina King Charles at UK Prime Minister Rishi Sunak.


Dagdag ni Biden, wala nang makahihigit pa sa solidong samahan ng U.S. at UK. Dumaan umano si Biden sa UK bago ito magtungo sa Lithuania para dumalo sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) meeting.


 
 
  • BULGAR
  • Mar 27, 2023

ni Loraine Fuasan (OJT) | March 27, 2023




USA — Hindi bababa sa 25 katao ang patay matapos humagupit ang isang malakas na buhawi at bagyo sa Mississippi at Alabama.


Ayon sa State Emergency Agency, umakyat sa 25 katao ang kumpirmadong patay at 12 ang sugatan. Apat na tao naman ang natagpuan na matapos maitalang missing.


Sa kasalukuyan, halos 10,000 residente ng Mississippi, Alabama at Tennessee ang walang kuryente.


Patuloy pa ring isinasagawa ang search and rescue operations sa ilang lalawigang nasalanta.


Samantala, nagpaabot naman ng dalamhati si US President Joe Biden sa pamilya ng mga biktima.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page