Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 4, 2023
Nagkaroon ng pag-uusap nu'ng Biyernes ang United States at China ukol sa isyu sa mga kamakailangang kaganapan sa West Philippine Sea at ipinabatid ng US ang kanilang pag-aalala sa mga mapanganib na aksyon ng China.
Naganap ang pagpupulong sa Beijing, bago ang inaasahang pagtitipon nina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping ngayong buwan sa APEC sa San Francisco.
Binigyang diin din ng US sa nangyaring pag-uusap ang kanilang mga alalahanin ukol sa mga aksyon ng PRC (People's Republic of China) .
Ayon sa US, parte ang kanilang pag-uusap ng bukas na komunikasyon sa gitna ng kanilang bansa at ng China.
Dagdag pa, makakatulong din ito para maiwasan ang 'di pagkakaunawaan ng dalawang bansa.
Isa sa tinalakay ay ang mainit na usapin patungkol sa WPS at iba pang usaping pandagat.