top of page
Search

ni Eli San Miguel @World News | Nov. 19, 2024



Image: Donald Trump - Al Jazeera


Kinumpirma ni President-elect Donald Trump na balak niyang magdeklara ng national emergency sa seguridad ng border at gamitin ang militar ng US para sa malawakang deportasyon ng mga undocumented migrant.


Binigyang-diin ni Trump ang isyu ng imigrasyon, na nangangakong mag-deport ng milyun-milyon at patatagin ang border sa Mexico matapos ang rekord ng ilegal na pagtawid ng mga migrante sa administrasyon ni President Joe Biden.


Sa kanyang social media platform na Truth Social, muling ibinahagi ni Trump ang isang post mula sa isang konserbatibong aktibista na nagsasabing "[the president-elect is] prepared to declare a national emergency and will use military assets to reverse the Biden invasion through a mass deportation program."


Kasabay ng repost, nagkomento si Trump ng "True!"


Naipanalo ni Trump ang isang kahanga-hangang pagbabalik sa pagkapangulo matapos ang kanyang tagumpay noong Nobyembre 5 laban kay Democratic Vice President Kamala Harris.

 
 

ni Angela Fernando @World News | Nov. 10, 2024



Photo: Iran Foreign Minister Abbas Araqchi at Pres. Donald Trump - AP E/ van Vucci-AP


Itinanggi ni Abbas Araqchi, Foreign Minister ng Iran, ang mga akusasyon mula sa United States (US) na may kinalaman ang Tehran sa isang sinasabing plano upang patayin si Donald Trump.


Sa isang pahayag sa kamakailan, nanawagan si Araqchi para sa pagpapalakas ng tiwala at mga hakbang na magpapabuti sa relasyon ng dalawang bansang magkaaway.


"Now ... a new scenario is fabricated ... as a killer does not exist in reality, scriptwriters are brought in to manufacture a third-rate comedy," saad ni Araqchi sa social media platform na X.


Tinutukoy niya ang sinasabing plano na ayon sa Washington ay iniutos ng elite Revolutionary Guards ng Iran upang patayin si Trump, na nanalo sa halalan nu'ng Martes at papasok sa kanyang posisyon sa Enero.


"The American people have made their decision. And Iran respects their right to elect the President of their choice. The path forward is also a choice. It begins with respect. [...] Iran is NOT after nuclear weapons, period. This is a policy based on Islamic teachings and our security calculations. Confidence-building is needed from both sides. It is not a one-way street," saad pa nito.


Magugunitang sinabi ng Iranian Foreign Ministry spokesperson na si Esmaeil Baghaei na ang mga paratang ay isang "repulsive" na plano ng Israel at ng oposisyon ng Iran sa labas ng bansa upang pag-isahin ang mga usapin sa pagitan ng Amerika at Iran.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Nov. 8, 2024



Photo: Susie Wiles at Donald Trump - Alex Brandon / AP Photo


Inanunsiyo ng President-elect ng United States na si Donald Trump nitong Huwebes, na ang kanyang campaign manager na si Susie Wiles ang magsisilbing chief of staff ng White House.


Sa isang pahayag, sinabi ni Trump na si Wiles ang tumulong sa kanya na makamit ang isa sa pinakadakilang tagumpay sa kasaysayan ng pulitika sa Amerika. Inilarawan pa niya si Wiles bilang matatag, matalino, kinikilala at nirerespeto ng lahat.


Si Wiles, 67, ang kauna-unahang babaeng itinalaga bilang chief of staff ng White House.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page