ni Jasmin Joy Evangelista | November 19, 2021
Inanunsiyo ng U.S. prosecutors na nahaharap sa sex-trafficking charges ang founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy.
Kasama si Quiboloy at dalawa pang opisyal ng simbahan sa pagpapatakbo ng sex-trafficking operations na nambibiktima ng mga batang babae edad 12-15.
Ayon pa sa indictment charges, nagre-recruit ang simbahan ni Quiboloy ng mga babaeng edad 12-25 bilang personal assistants o "pastorals."
Kabilang sa trabaho nila ang maghanda ng pagkain ni Quiboloy, maglinis ng bahay, magbigay ng masahe at makipagtalik sa self-proclaimed "appointed son of God" na tinatawag nilang "night duty."
Si Pastor Quiboloy ay longtime friend at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Quiboloy hinggil sa isyu.