top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 24, 2021




Labingdalawa ang patay, habang mahigit 50 ang sugatan sa naganap na mass shooting sa United States nitong Linggo.


Ayon sa ulat, nangyari iyon matapos ipagbawal ni US President Joe Biden ang paggamit ng ‘assault weapons’ upang hindi na maulit ang magkakasunod na barilan sa FedEx facility sa Indianapolis, sa isang office building sa California, sa grocery store sa Boulder Colorado at maging sa birthday party at ilang spa sa Atlanta.


Sabi pa ni Biden, “(I) did not need to wait another minute, let alone an hour, to take common sense steps that will save lives in the future and to urge my colleagues in the House and Senate to act."


Aniya, "We can ban assault weapons and high capacity magazines in this country once again."


Sa kabuuan nama’y mahigit 200 mass shooting incident na ang iniulat, simula nu’ng naganap ang barilan sa magkakahiwalay na lugar sa America, batay sa tala ng Gun Violence Archive.


Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw ang nangyayaring barilan.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 21, 2021



Nagsimula na ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas militants ngayong Biyernes matapos ang mahigit isang linggo o 11 araw na palitan ng mga rockets.


Nagdesisyon ang dalawang panig na magsagawa ng ceasefire bilang tugon sa panawagan ng maraming lider ng mga bansa kabilang na ang United Nations.


Noong Huwebes, saad ni UN Chief Antonio Guterres, “The fighting must stop immediately".


Aniya pa, "If there is a hell on earth, it is the lives of children in Gaza."


Nagkaroon ng ceasefire deal matapos manawagan si US President Joe Biden ng “significant de-escalation.”


Ayon naman kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, tinanggap niya kasama ang security cabinet ng Israel ang rekomendasyong magkaroon ng unconditional ceasefire.


Tinatayang aabot sa 232 Palestinians ang nasawi sa naturang giyera kabilang na ang 65 kabataan at 1,900 ang sugatan.


Umabot naman sa 12 ang nasawi sa hanay ng Israel at daan-daang katao rin ang sugatan.


Pahayag ni Ezzat El-Reshiq, senior member ng Hamas political bureau, “It is true the battle ends today but (Israeli Prime Minister Benjamin) Netanyahu and the whole world should know that our hands are on the trigger and we will continue to grow the capabilities of this resistance.”


Samantala, nagpasalamat naman si Biden sa Israeli at Egyptian president na si Abdel Fattah Al-Sisi dahil sa desisyong pagtigil ng kaguluhan at palitan ng mga rockets.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page