top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 21, 2021



Nagsimula na ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas militants ngayong Biyernes matapos ang mahigit isang linggo o 11 araw na palitan ng mga rockets.


Nagdesisyon ang dalawang panig na magsagawa ng ceasefire bilang tugon sa panawagan ng maraming lider ng mga bansa kabilang na ang United Nations.


Noong Huwebes, saad ni UN Chief Antonio Guterres, “The fighting must stop immediately".


Aniya pa, "If there is a hell on earth, it is the lives of children in Gaza."


Nagkaroon ng ceasefire deal matapos manawagan si US President Joe Biden ng “significant de-escalation.”


Ayon naman kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, tinanggap niya kasama ang security cabinet ng Israel ang rekomendasyong magkaroon ng unconditional ceasefire.


Tinatayang aabot sa 232 Palestinians ang nasawi sa naturang giyera kabilang na ang 65 kabataan at 1,900 ang sugatan.


Umabot naman sa 12 ang nasawi sa hanay ng Israel at daan-daang katao rin ang sugatan.


Pahayag ni Ezzat El-Reshiq, senior member ng Hamas political bureau, “It is true the battle ends today but (Israeli Prime Minister Benjamin) Netanyahu and the whole world should know that our hands are on the trigger and we will continue to grow the capabilities of this resistance.”


Samantala, nagpasalamat naman si Biden sa Israeli at Egyptian president na si Abdel Fattah Al-Sisi dahil sa desisyong pagtigil ng kaguluhan at palitan ng mga rockets.


 
 

ni Lolet Abania | March 20, 2021




Nasa mabuti nang kalagayan si US President Joe Biden matapos na ito ay matumba sa hagdan nang tatlong beses habang paakyat ng kanyang eroplanong Air Force One, ayon sa White House.


Ito ang tiniyak ni Karine Jean-Pierre, White House principal deputy press secretary, kung saan aniya, natumba si Biden dahil umano sa malakas na hampas ng hangin sa kanya nang aakyat na ito sa hagdan ng eroplano.


Patungo ang pangulo ng Amerika sa Atlanta para sa pakikipagpulong nito sa mga head ng Asian-American Community.


Naging usap-usapan naman ang nangyaring pagkakatapilok ni Biden habang umaakyat sa eroplano. Magugunitang noong Nobyembre ng nakaraang taon, napilayan ito sa paa dahil naman sa pakikipaglaro sa kanyang alagang aso.


 
 

ni Thea Janica Teh | December 22, 2020



Nakatanggap na ng unang infected dose para sa COVID-19 si US President-elect Joe Biden nitong Lunes upang mahikayat ang publiko na magpaturok at maipakitang safe ang vaccine na ito na sisimulang ipamahagi sa susunod na taon. Kabilang si Biden sa high-risk group sa COVID-19 dahil sa edad na 78.


Kaya naman ito umano ang kanyang panlaban sa COVID-19 na nakapatay ng halos 315,000 katao sa Amerika at may kabuuang 17.5 milyong naimpeksiyon. Si Tabe Mase, isang nurse practitioner at head ng Employee Health Services sa Christiana Hospital sa Newark Delaware ang nanguna sa pagturok ng vaccine kay Biden sa harap ng mga reporters.


Matapos maturukan ng vaccine na ginawa ng Pfizer Inc., agad na pinuri ni Biden ang mga medical professionals at sinabing sila ay bayani.


Aniya, "I'm doing this to demonstrate that people should be prepared when it's available to take the vaccine. There's nothing to worry about."


Bukod pa rito, pinaalalahanan ni Biden ang publiko na makinig sa mga medical experts at huwag nang bumiyahe ngayong Kapaskuhan. Kinilala rin ni Biden ang mga scientists na gumawa ng vaccine na ito at sinabing "I think that the (Trump) administration deserves some credit, getting this off the ground with Operation Warp Speed."


Samantala, sa susunod na linggo naman nakatakdang magpaturok ng vaccine si Vice-President-elect Kalama Harris.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page