ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 22, 2021
Ipinagbawal ng United States Food and Drug Administration ang paggamit ng mga healthcare workers ng hiringgilya mula sa isang Chinese firm.
Ayon sa FDA, nakatanggap sila ng ulat na naiiwan umano sa braso ng pasyente ang karayom matapos itong mainiksiyunan.
Ipinagbawal ng FDA ang paggamit ng hiringgilya at karayom mula sa Chinese medical device maker na Guangdong Haiou Medical Apparatus Co (HAIOU) partikular na ang syringe-needle combinations na 1mL syringe with 25Gx 1-inch needle at 1mL syringe with 23G x 1-inch needle.
Ayon sa ulat, ang mga naturang syringes ay nai-ship para gamitin sa Pfizer Inc./BioNTech SE COVID-19 vaccine.
Itinigil naman umano ang pag-ship ng naturang produkto kasama ng COVID-19 vaccination kits noong Marso 22, ayon sa FDA.