ni Thea Janica Teh | December 12, 2020
Mananatiling sarado hanggang January 21, 2021 ang pinakamahabang border sa buong mundo sa pagitan ng Canada at United States dahil sa COVID-19 pandemic, ayon kay Prime Minister Justin Trudeau nitong Biyernes.
Una na itong isinara noong Marso upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa parehong bansa. Pinapayagan lamang ang pagtawid dito sa pagkalakal ng pagkain, merchandise at essential travel.
Ikalawang wave na ng COVID-19 infection sa Canada na may kabuuang bilang na 450,000 nitong Biyernes.
Samantala, ang US naman ang nangunguna sa buong mundo sa 15.7 milyong kaso ng virus at 300,000 namatay.