ni Zel Fernandez | April 24, 2022
Mainit na pagsalubong ang ibinigay ng mga tagapangasiwa ng University of the Philippines (UP) Mindanao sa muling pagbabalik-unibersidad ng mga Iskolar ng Bayan para sa unang batch ng kanilang mga estudyante na dadalo sa isasagawang limited face-to-face campus activities.
“Isa itong oportunidad para atin na i-maximize ang paggamit ng blended learning para mabigyan natin ang ating mga estudyante ng platform para ang edukasyon ay magiging personal, collaborative, at naiuugnay sa tunay na mundo ” pahayag ni UP Mindanao Chancellor Prof. Lyre Anni E. Murao.
Gayundin, muling sinalubong ng UP Mindanao ang mga graduating students ng BS Food Technology at MS Food Science programs sa isang flag ceremony.
Ayon sa ulat, aprubado na ng CHED Regional Office ang hiling ng unibersidad na magsagawa ng pilot implementation para sa limited face-to-face (F2F) classes ng mga mag-aaral sa kolehiyo na nangangailangan ng hands-on laboratory at fieldwork para sa pagkukumpleto ng kanilang thesis.
Pagtitiyak ng tagapangasiwa ng unibersidad, ngayong unti-unti nang nagsisibalikan sa campus ang mga mag-aaral, patuloy pa rin ang pag-oobserba sa mga health protocols kontra-COVID-19 ng kanilang mga university officials, faculty, at students.
Samantala, ang iba namang mga graduating students na kailangang mag-field para sa kanilang thesis ay maaari umanong mag- request para sa limited F2F bilang pagtalima sa CHED-DOH Joint Memo Circular at ng UP VP for Academic Affairs' Memo kaugnay sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa bansa.