top of page
Search

ni Lolet Abania | July 26, 2021



Daan-daang raliyista mula sa iba’t ibang grupo ang nagsagawa ng ‘unity march’ mula University of the Philippines sa Diliman, Quezon City hanggang Commonwealth Avenue ilang oras bago ang inaabangang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes.


Sa isang video, makikita ang isang 2D effigy na gawa ng UGATLahi Artist Collective, kung saan inilalarawan si Pangulong Duterte habang nananatili sa kapangyarihan na nasa unahan ng mga raliyista na nagmamartsa.


Ayon kay Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes, Jr., ang kanilang ginawang protesta ay tinawag na, “WakaSONA,” habang ipinaparada nila ang “50 comics” sa kahabaan ng nasabing lugar.


Gayunman, sinabi ni Philippine National Police Chief Police General Guillermo Eleazar na lahat ng law enforcers ay magpapatupad ng maximum tolerance sa mga protesters.


Sinabi ni Reyes na hindi sila sang-ayon sa plano ni P-Duterte na pagtakbo sa May 2022 elections dahil tila nagsasagawa umano ng isang political dynasty. Nais din ng grupo na ito na ang huling SONA ni Pangulong Duterte.


“Hindi na siya dapat mabigyan ng panibagong 6 na taon sa puwesto at magtatag ng Duterte-Duterte dynasty sa Malacañang,” ani Reyes.


Pahayag pa ni Reyes, nagpoprotesta sila dahil sa pagkabigo umano ng pamahalaan na maresolbahan ang COVID-19 pandemic, ang human rights abuses na may kaugnayan sa drug war ng Pangulo, korupsiyon sa gobyerno at ang pakikipagmabutihan ni P-Duterte sa China.


Gayunman, ayon kay Reyes, patuloy na inoobserba ng grupo ang minimum health standards kontra-COVID-19.


Samantala, tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko na ang huling SONA ni Pangulong Duterte ngayong Lunes ay nakatuon sa pagtahak tungo sa recovery ng bansa sa pandemya.


 
 

ni Lolet Abania | April 26, 2021




Magpapatupad ang ilang unibersidad sa bansa ng “no fail policy” sa gitna ng pandemya ng COVID-19.


Kabilang sa mga universities na magsasagawa ng naturang polisiya ang De La Salle University (DLSU) at ang University of the Philippines (UP).


Inaprubahan ng La Salle ang isang resolusyon na ipatupad muli ang policy mula Term 2 ng Academic Year 2020-2021 hanggang sa susunod na abiso.


Inianunsiyo rin ng UP na walang estudyante ang mabibigyan ng bagsak na grado ngayong semester.


“During pre-COVID, in order to merit an incomplete, a student must have a passing class standing and only a minimum of requirement not yet submitted. This time, even if you haven't submitted anything this semester, you will not fail,” ani UP Public Affairs Vice-President Elenia Pernia.


Ayon pa kay Pernia, ang mga estudyante ay mayroong isang taon para makumpleto nila ang lahat ng kinakailangang requirements.


Samantala, hindi magpapatupad ang Ateneo de Manila University ng “no fail policy” sa kanilang mga estudyante.


“Its structures provide ways of making students fulfill requirements that take into consideration their individual contexts,” ayon sa pamunuan ng Ateneo.


Dagdag pa ng ADMU, sakaling makaranas ng hirap ang estudyante sa pag-aaral, maaaring mag-request ito ng withdrawal with permission o makakuha ng incomplete na may option para sa extended period hanggang sa makumpleto nito ang kailangang requirements sa incomplete grade.


Ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) ay hindi rin ipatutupad ang nasabing polisiya.


Gayunman, ayon sa PUP communication management office, hinihimok nila ang kanilang faculty na magkaroon ng maximum tolerance, kaluwagan at compassion o pagmamalasakit sa kanilang mga estudyante.


Matatandaang naghain ang Makabayan Bloc ng resolutions upang himukin ang Department of Education (DepEd) at ang Commission on Higher Education (CHED) na mag-impose ng isang moratorium para sa pagtataas ng tuition fees at ipatupad ang academic easing habang may COVID-19 pandemic.


Sa pamamagitan ng House Resolution 1722, nanawagan ang mga mambabatas sa dalawang ahensiya para ihinto muna ang pagtataas ng tuition fee at iba pang bayarin, kung saan matagal nang tinatalakay dahil sa patuloy na pagsirit ng antas ng edukasyon sanhi ng mga polisiya sa deregulation at commercialization.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 25, 2021



Nagbitiw na si Government COVID-19 Response Adviser Dr. Teodoro J. Herbosa bilang executive vice- president ng University of the Philippines, ayon sa nasabing unibersidad ngayong Linggo.


Personal umano ang rason ng pagbibitiw ni Herbosa at may panghihinayang man ay tinanggap ito ni UP President Danilo Concepcion. Pahayag ni Concepcion sa pagbibitiw ni Herbosa, “In your service as executive vice-president, you have shown how vital this position can be to the governance of the University.


Nagsilbing executive vice-president si Herbosa nang magsimula ang administrasyon ni Concepcion sa UP noong 2017.



Kamakailan ay inulan ng pambabatikos mula sa mga netizens si Herbosa dahil sa naging tweet niyang “Death by ‘Community Pantry’” kaugnay ng pagkamatay ng isang senior citizen habang nakapila sa inorganisang community pantry ng aktres na si Angel Locsin sa Quezon City.


Kasunod nito ay humingi ng paumanhin si Herbosa sa kanyang tweet at aniya sa Facebook post, “I sincerely apologize for my tweet earlier today, tagging as ‘death by community pantry’ news of a senior citizen's death at a community pantry of a celebrity. It may have sounded like a criticism but was ill-judged, when many are facing hardships & being helped by these kind hearted souls.” Iginiit din ni Herbosa na sumusuporta siya sa “acts of kindness” ngunit aniya ay tutol siya sa mga insidente ng paglabag sa COVID-19 health protocols na maaaring maging dahilan ng lalong paglobo ng kaso ng Coronavirus disease.


Saad pa ni Herbosa, “I suggested ways to do community pantries without risk to senior citizens. “I felt angry over a preventable death, & ended up issuing the tweet when I could have expressed it in a better way.”


Paglilinaw din naman ni Herbosa sa kanyang pagbibitiw, “I assure you this has nothing to do with the institution that I serve, the University of the Philippines, I have filed a leave of absence while I reflect on my actions & this misstep.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page