top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 10, 2022



Naglabas ng anunsiyo ang pamunuan ng UP Diliman hinggil sa muling pagsasara ng mga pampublikong espasyo sa loob ng pamantasan simula ngayong araw dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


“Dahil sa biglaan at mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, muling isasara ang Academic Oval at iba pang mga pampublikong espasyo sa UP Diliman simula Enero 10”, ayon sa anunsiyo.


Nitong Linggo, nakapagtala ng 28,707 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, ang pinakamataas na bilang simula nagsimula ang pandemya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 29, 2021



Nakamit ng University of the Philippines Diliman graduates ang top three spots sa December 2021 Geodetic Engineer Licensure Examinations, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).


Si Christian Janlois Arguelles Noriega ang topnotcher, na nakakuha ng percentage rating na 91.8%.


Nasa ikalawang puwesto naman si Gian Nathan Acurantes Tongco (91%), na sinundan ni Jay Vee Perdonio Estrada (90.60%).


Nasa third place din ang Pampanga State Agricultural University (P.A.C.) graduate na si Bernard Maico Cunanan Tayag.


Sila ay ilan lamang sa 375 out of 694 examinees na nakapasa sa naturang licensure exams.


Ang top 5 performing schools ay ang mga sumusunod:


* University of the Philippines Diliman

* Visayas State University

* Saint Louis University

* Caraga State University (Butuan City)

* University of Southeastern Philippines (Davao City)

 
 

ni Lolet Abania | December 7, 2021



Hindi magsasagawa ang University of the Philippines (UP) ng kanilang College Admissions Test (UPCAT) para sa Academic Year 2022-2023.


Ito na ang ikalawang sunod na taon na isususpinde ng unibersidad ang UPCAT para sa papasok na first-year student sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Batay sa Memorandum No. OVPAA 2021-158, na ini-release noong Nobyembre 18, 2021, ipinahayag ng UP na ito ay dahil sa tinatawag na “immense logistical challenge” para sa kanilang desisyon na isuspinde ang UPCAT, habang iginiit ang posibleng anila, “uncertain trajectory” ng pandemya.


Ang UPCAT ay ina-administer sa UP campuses at 95 testing centers sa buong bansa.


“The University Councils across the UP System voted overwhelmingly in favor of the motion,” pahayag ng UP.


Ayon sa UP Faculty Manual, ang University Councils ay ang pinakamataas na policy-making body ng bawat UP constituent university (CU) na binubuo ng Chancellor, professors, associate professors, at assistant professors ng bawat CU.


“For AY 2022-2023, the admissions model used by the UP Office of Admissions’ for the first-year student intake of AY 2021-2022 will be used,” ayon pa sa UP.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page