ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 10, 2021
Bibili ng 500 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang United States para ipamigay sa iba’t ibang bansa.
Ngayong linggo nakatakdang ianunsiyo ni US President Joe Biden kung anu-anong mga bansa ang target nilang bigyan ng mga Pfizer COVID-19 vaccine.
Saad pa ni Biden, “We have to end COVID-19 not just at home — which we’re doing — but everywhere.”
Napagdesisyunan ang hakbang na ito matapos makatanggap umano ng pressure ang pamahalaan ng US mula sa iba’t ibang bansa na lalo pang paigtingin ang pagkilos upang masolusyunan ang kakulangan ng suplay ng bakuna sa mahihirap na bansa.
Samantala, una nang inianunsiyo ng White House na target ng pamahalaan na makapagpamahagi ng 80 milyong sobrang doses ng bakuna globally bago matapos ang buwan ng Hunyo.