top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 27, 2020




Mabilis na nagpatutsada sa Twitter si Senator Panfilo Lacson na tila pasaring sa naging pahayag ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na ikonsidera lamang ang travel ban kung nasa lebel na ng community transmission ang new variant ng COVID-19 mula sa United Kingdom.


Sa isinagawang pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang ilang miyembro ng Cabinet, saad ni Duque, “Ikonsidera lamang ang travel ban, Mr. President kung nasa lebel na ng community transmission ang new variant sa naturang bansa (UK).”


Tweet naman ni Lacson, “Hayaan daw munang kumalat sa Pilipinas ang COVID-19 variant mula sa UK bago mag-travel ban. Galit ba sa Pilipino ang taong ito?”


Sa ngayon ay wala pang sagot si Sec. Duque sa naging pasaring ni Sen. Lacson.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 27, 2020




Inirekomenda ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Sabado na ikonsidera lamang ang travel ban sa United Kingdom kapag nasa lebel na ng community transmission ang bagong variant ng COVID-19 sa Pilipinas.


Pahayag ni Duque, “Base sa mga ulat na kinalap ng World Health Organization (WHO) mula ika-28 ng Agosto hanggang ika-23 ng Disyembre, may labingdalawang bansa sa Western Pacific Region ang nagtala ng mga imported na kaso mula sa UK. Kabilang po rito ang Hong Kong, China, Singapore, New Zealand, Korea, Japan, Malaysia, Vietnam, Australia, Taiwan and Cambodia.


“Sa mga ito, 3 bansa ang nakapagtala ng mga kaso base po sa bagong variant. Sa Australia ay may 4 na kaso nang natuklasan habang naka-quarantine. Sa Hong Kong ay may 2 kaso, dalawang estudyante na edad 14 at 17. Sa Singapore naman po ay may isang kaso, isa ring estudyante na 17 taong gulang. Sa Japan, na-detect ang new variant sa 5 biyahero mula sa UK.


“Samantala, wala pang kaso mula sa new variant ang naitala sa Pilipinas. Ngunit nais ko pong tukuyin ang limitasyon ng datos na ito. Ito ay mula sa mga official sites lamang kung saan ang datos ay patuloy na nagbabago o inaayos dahil sa ongoing case investigations. Meron ding mga naitalang imported na kaso na hindi matukoy ang pinanggalingan.


"Ginoong Pangulo, habang nadaragdagan ang mga bansang nag-uulat ng detection ng UK new variant, inirerekomenda po ng DOH kasama ng mga eksperto ng Technical Advisory Group (TAG) ng ating Inter-Agency Task Force (IATF) ng WHO na sa mga manggagaling sa mga bansang may kumpirmadong new variant, gawing mandatory ang pagtapos ng 14-day quarantine period sa New Clark City. Ang protocol na ito ay gaya ng ipinatupad ngayon para sa mga biyahero na dumating bago mag-alas-dose a uno, umaga ng December 24.


“Ikonsidera lamang ang travel ban, Mr. President kung nasa lebel na ng community transmission ang new variant sa naturang bansa (UK).”

 
 

ni Thea Janica Teh | November 3, 2020




Nag-donate ng £1 million o mahigit P62.8 milyon sa Pilipinas pati na rin sa Vietnam ang pamahalaan ng United Kingdom ngayong Martes upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Rolly.


Ayon sa Minister for Asia at the Foreign, Commonwealth & Development Office (FCDO) na si Nigel Adams, malaki umano ang naging impact ng bagyong Rolly sa buhay ng mga residente ng Pilipinas at Vietnam.


Umabot sa 19 katao sa Pilipinas ang namatay dahil sa bagyo at libu-libong residente ang nawalan ng tirahan. Samantala, apat na bagyo naman ang tumama sa Vietnam na naging sanhi ng pagbaha at landslide.


Ang donasyon ng UK ay dadaan sa International Federation of Red Cross (IFRC) kung saan ipapadala sa local Red Cross partners.


Ito ay gagamitin para sa pagpapagawa ng tahanan, pagbibigay ng pagkain at tubig at pagbibigay ng kabuhayan sa halos 80,000 Filipino at 160,000 Vietnamese.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page