top of page
Search

ni Lolet Abania | June 1, 2021



Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng restriksiyon na kasalukuyang ipinatutupad sa inbound travelers na mula sa India, Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh, Nepal, Oman at United Arab Emirates.


Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, extended ang travel ban mula June 1 hanggang June 15, 2021.


Matatandaang noong huling mga linggo ng Abril ipinatupad ang travel ban sa lahat ng mga travelers na mula sa India kasabay ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga bansa sa South Asia.


Ang COVID-19 variant na unang na-detect sa India ay isa sa mga variants of concern na mino-monitor ng ating bansa. Nitong unang linggo ng Mayo, pinalawig ng Pilipinas ang pagba-banned sa mga travelers kasabay ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases, kung saan ipinagbawal na rin ang mga manggagaling sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka.


Noong May 16, kabilang na rin ang mga travelers mula Oman at United Arab Emirates na ipinagbabawal dahil sa panganib ng Indian variant ng COVID-19.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 16, 2021




Bawal na ring pumasok sa ‘Pinas ang lahat ng mga biyahero galing Oman at United Arab Emirates (UAE) hanggang sa ika-31 ng Mayo, bilang pag-iingat sa banta ng Indian variant ng COVID-19, ayon kay Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac ngayong araw, May 16.


Aniya, "The travel ban for inbound Filipinos from UAE and Oman is effective on May 15. The latest cases of Indian variant came from these areas. Mostly from the Middle East."


Matatandaan namang inanunsiyo na rin kamakailan ni Spokesperson Harry Roque ang pag-i-implement ng travel ban, alinsunod sa naging rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA).


"All travelers coming from Oman and the United Arab Emirates (UAE) or those with travel history to these two countries within the last fourteen (14) days preceding arrival shall be prohibited from entering the Philippines beginning 0001H of May 15, 2021 until 2359H of May 31, 2021," sabi pa ni Roque.


Samantala, extended din hanggang May 31, 11:59 nang gabi ang travel ban sa mga biyahero mula India, Pakistan, Nepal, Bangladesh at Sri Lanka.


Sa ngayon ay 12 na ang nagpositibo sa Indian variant ng COVID-19 sa ‘Pinas. Karamihan sa kanila ay overseas Filipino workers (OFW) galing Middle East.


Ang nasabing B.1.617.2 variant ng COVID-19 ay orihinal na na-develop sa India at laganap na rin sa iba’t ibang bansa. Ito ay kinatatakutan ng buong mundo dahil mas mabilis itong makahawa kumpara sa ibang variant.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page