top of page
Search

ni Thea Janica Teh | November 13, 2020




Tuluyan nang humina sa severe tropical storm ang Bagyong Ulysses habang palayo sa Pilipinas ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.


Ito ay huling namataan sa 415 kilometers west ng Iba, Zambales kaninang alas-4 ng madaling araw na may maximum sustained wind na 110kph at may bugso ng hangin na 135 kph.


Makakaranas pa rin ng pag-ulan at bugso ng hangin ang Batanes, Babuyan Island, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan at northern Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island dahil sa amihan. Moderate to heavy rain naman ang mararanasan ngayong Biyernes ng northern at eastern portion ng mainland Cagayan, eastern portion ng Isabela, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino at Apayao.


Pagdating sa Ilocos Region, ang natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region, Cagaya Valley, northern portion ng Quezon kasama ang Polillo Island, Zambales at Bataan ay makakaranas ng light to moderate na ulan.


Asahan naman na magiging maaraw na sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa. Inaasahan din na ngayong umaga ay lalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Ulysses.


Samantala, pinaalalahanan naman ng PAGASA ang publiko na may 4 pang binabantayang bagyo na maaaring pumasok sa ating bansa bago matapos ang taon.

 
 

ni Thea Janica Teh | November 10, 2020




Nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 ang ilang lugar sa Luzon at Visayas dahil sa Bagyong Ulysses, ayon sa PAGASA.


Sa inilabas na weather update kaninang alas-4 ng umaga, namataan ang pagbagal ng Bagyong Ulysses sa 555 kilometers east ng Virac, Catanduanes na may maximum sustained wind na 65 kph at may bugso ng hangin na 80 kph.


Ito ang ilan sa mga lugar na nakataas sa TCWS No. 1 at makararanas ng pag-ulan hanggang Miyerkules: Luzon: Catanduanes Camarines Norte Camarines Sur Albay Sorsogon Eastern portion ng Masbate (Aroroy, Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Uson, Dimasalang, Masbate City, Mobo, Baleno) kasama ang Ticao and Burias Island Southeastern portion ng Quezon (Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Andres, San Narciso) Visayas: Northern Samar Northern portion ng Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao) Northern portion ng Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad) Dagdag pa ng PAGASA, maaari pang lumakas ang Bagyong Ulysses at maging severe tropical storm ngayong Martes nang gabi.


Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko sa posibleng pagbaha at landslide dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng Bagyong Ulysses.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page