top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 15, 2020




Naranasan sa ilang parte ng bansa ang pananalasa ng Bagyong Ulysses at ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nakadagdag sa matinding pagbaha ang pagpapakawala ng tubig ng 6 na dam.


Sa security briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte, aniya, "I think we will propose na in times of calamities and typhoon, dapat merong nagkokontrol diyan. Sino, kailan bubuksan ang dam.


"Dapat, before the bagyo, puwede na tayong magbukas lalo na kung meron tayong forecast kung gaano kalaki ‘yung ulan na darating.” Nais din ni Año na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang magdedesisyon kung kailan na maaaring buksan ang mga dam.


Aniya, "I will propose na pag-usapan namin sa NDRRMC na sa times ng calamity o typhoon, ang NDRRMC ang magbibigay ng approval kung kailan puwedeng magbukas, ilang gate, para controlled natin.


"‘Yan ang sinasabi ng ating mga LGUs, katulad sa Region IV, III at NCR na nakadagdag talaga ng pagbaha ang pagbubukas ng dam.”


 
 
  • BULGAR
  • Nov 15, 2020

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 15, 2020




Umakyat na sa 67 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa Bagyong Ulysses, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Mula umano sa Cagayan Valley ang 22 sa mga nasawi, 3 naman ang mula sa Central Luzon, 17 sa Calabarzon, 8 sa Bicol Province, 10 sa Cordillera Administrative Region, at ang iba pa at mula sa Metro Manila.


Ayon sa tala ng NDRRMC, 21 ang sugatan at 12 ang nawawala. Samantala, tinatayang aabot sa P1.19 billion agricultural losses at P270 million infrastructure damages ang idinulot ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa bansa, ayon kay Public Works Secretary Mark Villar.


Pahayag naman ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, "NDRRMC is working closely with all member-agencies. There is no discrepancy in the figures. The figures provided by the good DPWH is their agency's estimate of the possible damages to infrastructure incurred in all affected areas.


"The figures that NDRRMC reports po are the actual computed damages as reported by the NDRRMCs from their ongoing damage assessment.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 15, 2020




Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Environment Secretary Roy Cimatu ang mga illegal mining activities na itinuturong dahilan ng landslides nang manalasa ang Bagyong Ulysses sa bansa.


Sa speech ni P-Duterte kaugnay ng matinding pagbaha sa Cagayan at Isabela, aniya, "I will direct here si Secretary Cimatu to look into illegal mining. "Kapag maraming butas, maraming tubig na pumapasok sa loob ng lupa.


That's why, kapag ano... landslide. It loosens the soil. So kaya ang mining, maraming butas, ‘yan ang i-control mo.


"Mag-inventory ka na lang Roy. Kasi sigurado ‘yan, kapag marami nang butas, maraming tubig ang papasok sa lupa then it loosens the soil.”


Ayon naman kay Cimatu, nakatanggap siya ng ulat na 10 katao ang nasawi dahil sa landslide sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.


Hazard prone rin umano ang mga lugar kung saan naganap ang landslide at pagbaha. Aniya, "There's no mining area given permit except small-scale mining, this is illegal one. "So illegal mining itong mga lugar na namatayan, so we have filed cases already and cease and desist order for these people. So, ito na-address na natin.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page