top of page
Search

ni Angela Fernando @World News | Nov. 1, 2024



Photo: KBS / Pres. Volodymyr Zelenskyy


Binatikos ni Pres. Volodymyr Zelenskyy ang kawalan ng reaksyon ng kanyang mga kaalyado sa pag-deploy ng mga North Korean military para sa giyera sa Ukraine, at binigyang-diin na ang kawalang-tugon ay magbibigay-lakas ng loob kay Vladimir Putin ng Russia na palakasin pa ang kanilang pwersa.


Sa isang panayam sa KBS television channel ng South Korea (SK), sinabi ng lider ng Ukraine na naniniwala siyang sinusubukan na ng Moscow na makipagkasundo sa North Korea (NK) para magpadala ng mga engineering troops at malaking bilang ng mga sibilyan upang magtrabaho sa mga plantang militar ng Russia.



"Putin is checking the reaction of the West ... And I believe that after all these reactions, Putin will decide and increase the contingent ... The reaction that is there today is nothing, it is zero," saad ni Zelenskyy.


Matatandaang nagsimula siyang magbigay ng babala tungkol sa pakikialam ng NK sa giyera nu'ng Oktubre 13. Inilarawan ito ng mga kaalyado sa West bilang mabigat na paglala ng sitwasyon, ngunit wala pang inihahayag na anumang hakbang na gantihan o paghahandang ipatupad laban dito.

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | Oct. 14, 2024



Photo: Nasa sa larawan ay ang Ukrainian journalist na si Victoria Roshchyna. Moscow Times / Circulated / AFP


Nasawi si Victoria Roshchyna, isang Ukrainian journalist na nawala sa isang bahagi ng kanyang bansa, habang nakakulong sa poder ng Russia nu'ng nakaraang buwan, ayon sa mga otoridad ng Ukraine.


Nawala nu'ng Agosto ng nakaraang taon si Roshchyna, 27, habang nasa isang reporting trip sa isang okupadong lugar ng Russia sa Ukraine. Ayon sa Office of the Ukrainian Prosecutor General, Moscow, nu'ng Abril lamang ipinaalam sa pamilya ni Roshchyna na siya ay nahuli at hawak ng Russia, ilang buwan matapos siyang madakip.


“I have official documentation from the Russian side confirming the death of Ukrainian journalist Victoria Roshchyna, who was illegally deprived of her liberty by Russia,” saad ng Ukrainian human rights commissioner na si Dmytro Lubinets.


Sinabi ng mga kasamahan ni Roshchyna na siya ay naglakbay sa teritoryong hawak ng Russia, isang mapanganib na sitwasyon para sa sinumang Ukrainian. Ito ay para sana mag-ulat tungkol sa buhay ng mga tao na naninirahan sa ilalim ng nasabing okupasyon. Naniniwala sila na pinatay ang batang mamamahayag ng mga otoridad ng kalabang bansa.

 
 

by Eli San Miguel @Overseas News | September 4, 2024



Photo

Nasawi ang hindi bababa sa 51 katao at 271 ang nasugatan sa isang pag-atake ng Russian missile sa lungsod ng Poltava, sa gitnang bahagi ng Ukraine. Tinamaan ang isang military academy at ang kalapit na ospital.


Ipinangako ni Pangulong Volodymyr Zelensky na magbabayad ang Russia para sa pag-atake at muling nanawagan para sa karagdagang air defenses upang matulungan ang Ukraine na protektahan ang sarili gamit ang long-range missile strikes. Wala pang tugon ang Moscow sa pag-atake.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page