top of page
Search

ni Angela Fernando @World News | Dec. 9, 2024



Photo: Donald Trump at Ukraine - AP, Volodymyr Zelenskyy, FB


Nanawagan si United States (US) President-elect Donald Trump kamakailan para sa isang agarang tigil-putukan at negosasyon sa pagitan ng Ukraine at Russia upang tapusin ang tinawag niyang "kabaliwan."


Ang naging pahayag ni Trump ang nagtulak kay Ukrainian President Volodymr Zelenskyy at sa Kremlin na ilahad ang kanilang mga kondisyon.


Ginawa ng Presidente ang kanyang mga pahayag ilang oras lamang matapos makipagpulong kay Zelenskyy sa Paris, ang kanilang unang harapang pag-uusap mula nang manalo si Trump sa nakaraang halalan sa U.S. nu'ng Nobyembre.


Nangako naman ang US President na makakamit ang isang kasunduang magtatapos sa digmaan.


"Zelensky and Ukraine would like to make a deal and stop the madness," isinulat ni Trump sa kanyang social media platform na Truth Social, dagdag pa nito na nawalan na ang Kyiv ng 400K sundalo.


"There should be an immediate ceasefire and negotiations should begin." Giit ni Trump, "I know Vladimir well. This is his time to act. China can help. The World is waiting!"

 
 

ni Eli San Miguel @World News | Nov. 20, 2024



Image File: Live fire tests ng Army Tactical Missile System (ATACMS) - John Hamilton / DoD / AFP


Ginamit ng Ukraine ang mga U.S. ATACMS missiles upang atakihin ang teritoryo ng Russia nitong Martes, matapos makuha ang pag-apruba mula sa pinal na administrasyon ni U.S. President Joe Biden sa ika-1,000 araw ng digmaan.


Ipinahayag ng Russia na nadepensahan ng kanilang mga pwersa ang lima sa anim na missile na tinarget ang isang pasilidad militar sa rehiyon ng Bryansk. Inanunsiyo ng Ukraine na tinamaan nito ang isang Russian arms depot na mga 110 km (70 milya) sa loob ng Russia, na nagdulot ng pangalawang pagsabog.


Hindi tinukoy ng militar ng Ukraine ang mga armas na ginamit, ngunit parehong kinumpirma ng isang source mula sa gobyerno ng Ukraine at isang opisyal ng U.S. na ginamit ang ATACMS missiles.


Isang opisyal mula sa U.S. ang nagsabi rin na nag-intercept ang Russia ng dalawa sa walong missiles, at tumarget ang atake sa isang ammunition supply point.

 
 

ni Eli San Miguel @World News | Nov. 18, 2024



Image: Press service of the State Emergency Service of Ukraine / Sumy region / Reuters


Isang missile mula sa Russia ang tumama sa isang residential building sa Sumy, Ukraine, na ikinasawi ng 10 tao, kabilang ang dalawang bata, at ikinasugat ng 55 iba pa.


Tumama ang missile sa siyam na palapag na gusali noong Linggo ng gabi.


Isang panibagong missile strike din ang nagdulot ng pagkawala ng kuryente sa administratibong sentro ng rehiyon, ayon sa mga opisyal ng Ukraine.


"Sunday evening for the city of Sumy became hell, a tragedy that Russia brought to our land," ayon kay Volodymyr Artyukh, ang pinuno ng Sumy military administration.


Ayon sa military administration, isang panibagong missile ang tumama sa mga kritikal na imprastruktura, na nagdulot ng pagkawala ng kuryente sa siyudad.


Wala pang agarang pahayag mula sa Moscow.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page