ni Angela Fernando - Trainee @News | December 1, 2023
Tagumpay ang U.N. climate summit matapos ang pagsang-ayon ng mga delegado sa isang bagong pondo upang matulungan ang mga bansang mahirap sa harap ng mga seryosong kalamidad.
Pahayag ni COP28 President Sultan Ahmed al-Jaber, ang naging desisyon ay positibong senyales ng momentum sa mundo at sa kanilang gawain sa Dubai.
Binigyang-daan ng mga itinalaga ang mga pamahalaan upang ipahayag ang kanilang mga kontribusyon sa pagtatag ng pondo sa unang araw ng dalawang linggong forum.
Nagsimula ang serye ng mga maliit na pangakong pondo na inaasahang lalaki habang nagtatagal ang forum, kasama dito ang $100-milyon mula sa host na United Arab Emirates ng COP28, aabot sa $51-milyon mula sa Britanya, $17.5-milyon mula sa US, at $10-milyon galing sa Japan.
Nag-alok naman ang European Union ng $245.39-milyon, kabilang ang $100-milyon mula sa Germany.