top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Nov. 21, 2024



Photo: "Bomb cyclone" - Eastside Fire and Rescue / AP


Isang malakas na bagyo ang tumama sa estado ng Washington nitong Miyerkules, na nag-iwan ng daan-daang libong tao na walang kuryente, umabala sa pagbiyahe, at nagresulta sa hindi bababa sa dalawang pagkamatay.


Isang babae ang namatay noong Martes nang mabagsakan ng puno ang isang kampo ng mga walang bahay sa Lynnwood, hilaga ng Seattle.


Isa pang babae ang nasawi malapit sa Seattle nang mabagsakan ng puno ang kanyang bahay. Dalawang tao naman ang nasugatan nang mabagsakan ng puno ang kanilang trailer sa Maple Valley, timog-silangan ng Seattle.


Mayroon ang bagyo ng mga hangin na umaabot sa 50 mph (80 km/h) at mga bugso ng hangin na umabot ng 70 mph (110 kph).


Iniwan nito ang mahigit 600,000 na tahanan at negosyo na walang kuryente sa Washington, timog-kanlurang Oregon, at Hilagang California, ayon sa Poweroutage.us.


Tinatawag na "bomb cyclone" ang bagyo dahil sa mabilis nitong paglakas, at inaasahang mananatili sa Hilagang California sa mga susunod na araw.

 
 

ni Angela Fernando @News | Nov. 17, 2024



Photo: Bagyo / typhoon - PAGASA-DOST


Naiulat na isang tao ang nasawi sa bayan ng Daet, Camarines Norte dulot ng Super Typhoon Pepito, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).


Patuloy pa ang pagmomonitor ng mga otoridad sa sitwasyon at epekto ng bagyo sa lugar.


Ayon sa situational report ng MDRRMO nitong Linggo, isang 76-anyos na lalaki ang nasawi matapos masangkot sa aksidente sa kalsada dahil sa hanging internet cables sa kahabaan ng Bagabas Road.


Bukod dito, iniulat din ng MDRRMO na 26,589 pamilya o mahigit 116,000 indibidwal mula sa 25 barangay ang apektado ni Pepito sa nasabing bayan.


Samantala, hindi naman natatapos at tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhang residente.

 
 

ni Eli San Miguel @News | Nov. 15, 2024



Photo: PAGASA-DOST


Inilarawan ng US-based National Aeronautics and Space Administration (NASA) bilang “hindi pangkaraniwan” ang sabay-sabay na presensya ng apat na bagyo sa Kanlurang Pasipiko ngayong Nobyembre.


Isang satellite image noong Nobyembre 11 ang nagpakita ng mga bagyong Yinxing (Marce), Toraji (Nika), Usagi (Ofel), at Man-Yi (Pepito) na malapit o nasa ibabaw ng Pilipinas.


Bagamat buong taon ang panahon ng bagyo sa rehiyon, nagaganap mula Mayo hanggang Oktubre ang karamihan ng mga bagyo.


“November typically sees three named storms, with one becoming a super typhoon, based on the 1991-2000 average,” sabi ng NASA.


Pumasok si Marce sa Philippine Area of Responsibility (PAR) noong Nobyembre 4 at lumabas noong Nobyembre 8. Sumunod si Nika, na pumasok noong Nobyembre 9 at lumabas noong Nobyembre 12.


Habang humaharap ang mga residente sa epekto ng Marce at Nika, kinaharap din nila ang Severe Tropical Storm Ofel at naghanda para sa Typhoon Pepito, na mabilis na lumakas noong Huwebes.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page