top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 7, 2021




Ni-lock ng Twitter ang account ni United States President Donald Trump at pinagbantaan din ng permanenteng pagkaka-ban dahil umano sa mga naging tweets nito na lumalabag sa “Civic Integrity policy.”


Ayon sa Twitter Safety, mananatiling naka-lock ang account ni Trump sa loob ng 12 oras.


Pahayag ng Twitter Safety, "As a result of the unprecedented and ongoing violent situation in Washington, DC, we have required the removal of three @realDonaldTrump tweets that were posted earlier today for repeated and severe violations of our Civic Integrity policy.


“This means that the account of @realDonaldTrump will be locked for 12 hours following the removal of these tweets. If the tweets are not removed, the account will remain locked.


“Future violations of the Twitter Rules, including our Civic Integrity or Violent Threats policies, will result in permanent suspension of the @realDonaldTrump account.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 15, 2020




Sinentensiyahan ng kamatayan ng Tokyo district court ngayong Martes ang isang lalaking tinaguriang “Twitter Killer” na nasa likod ng pagpaslang sa 9 katao noong 2017.


Sa pamamagitan ng Twitter, humahanap ang suspek na kinilalang si Takahiro Shiraishi, 30, ng kanyang mabibiktima sa kanyang apartment sa Zama City, Kanagawa, Tokyo.


Ayon sa Jiji News Agency, ang mga biktima ni Shiraishi ay may suicidal thoughts o mga nag-iisip ng pagpapakamatay at iniimbitahan umano sila ng suspek sa kanyang apartment upang tulungan ang mga ito na isagawa ang kanilang binabalak.


Ayon naman sa defense lawyers ni Shiraishi, mayroon umanong approval ng mga biktima ang pagpatay sa kanila ng suspek.


Ngunit pahayag ni Presiding Judge Naokuni Yano, hindi sang-ayon ang mga biktima sa pagpaslang sa kanila ni Shiraishi at nasa tamang pag-iisip umano ito upang maging responsable sa kanyang mga ginawang pagpatay.


Aniya, “None of the victims agreed to be killed. The defendant was found to be fully responsible.”


Ayon sa mga impormasyong natanggap ng awtoridad, 8 kababaihan at isang lalaki umano na edad 15 hanggang 26 ang mga nabiktima ni Shiraishi simula noong Agosto hanggang Oktubre, 2017 at dumanas din umano ng pang-aabusong seksuwal ang lahat ng mga babaeng biktima. Upang masigurong hindi aatras ang mga ito, pinaiinom umano ng suspek ang mga biktima ng alcohol, tranquilizers at sleeping pills at saka hinahalay at pinapatay.


Nadiskubre rin ng pulisya ang ulo ng mga biktima at ang kanilang mga buto na nakatago sa cooler boxes sa kanyang apartment.


Samantala, humingi ng paumanhin si Shiraishi sa mga pamilya ng kanyang mga biktima at aniya, “I am sorry for having killed some of the victims, with whom I spent a lot of time, and would like to apologize to these families.”


Hindi rin umano aapela si Shiraishi sa ipinataw sa kanyang death penalty, ayon sa Japanese media.

 
 

ni Thea Janica Teh | September 4, 2020



Sa wakas ay ipinakita na sa publiko ng dating child actor na si Bugoy Cariño at ng

volleyball star player ng UST Golden Tigresses na si EJ Laure ang kanilang anak sa post nito sa social media nitong Huwebes.


Matatandaang unang naging laman ng blind item ang tungkol dito, ngunit nanahimik lang si Bugoy habang itinanggi naman ito ni EJ.


Ibinahagi ni EJ sa isang video compilation sa Twitter ang sweet moment ng mag-ama bilang pagbati kay Bugoy sa kanyang kaarawan.


Aniya, “Happy birthday, Mahal. Thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni Baby Scarlet! We love you so much, Daddy!”


Bukod pa rito, nag-post din si Bugoy sa kanyang Twitter account ng picture nilang buong

pamilya at may caption na “Happy to have a family na mahal na mahal ako.


Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page