top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 19, 2024


Dumating ang negosyanteng si Elon Musk sa isla ng Bali, Indonesia nitong Linggo bilang paghahanda sa planong paglunsad ng Starlink internet service ng SpaceX, na inaasahan ng gobyerno ng Indonesia na magpapataas ng internet penetration at mga serbisyong pangkalusugan sa mga liblib na bahagi ng malawak na arkipelago.


Sinalubong ni Chief Investment Minister Luhut Binsar Pandjaitan ang pagdating ni Musk sa pamamagitan ng pribadong jet sa paliparan ng Bali nitong umaga, at sinabi na pag-uusapan nila ang ilang mahalagang collaborations, kabilang ang inagurasyon ng Starlink, ayon sa isang post sa kanyang Instagram page.


Iginiit din niya na ang pantay na access sa internet sa pinakamalaking ekonomiya sa Timog-Silangang Asya, na may higit sa 270-milyong katao na naninirahan sa tatlong time zones, ay magbibigay-daan sa mga tao sa malalayong lugar na makaranas ng parehong bilis ng internet tulad ng mga nasa urban.


Ipinaalam din ni Pandjaitan na ilulunsad ni Musk ang Starlink kasama si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa isang community health center sa Denpasar, kabisera ng Bali ngayong araw.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 4, 2022



Nagpatutsada sa isang TV network ang social media personality na si Jam Magno matapos itong magbalik sa Twitter.


Matatandaang sinuspinde ng social media platform ang account ni Magno dahil sa mga paglabag.


“Dear ABS-CBN News, I am back on Twitter please announce,” ani Magno nitong Miyerkules, Pebrero 2, sa isang Facebook post na may screenshot ng kanyang bagong Twitter account.


“But knowing you, I will just truth the more reliable network to beat you to this bit of news,” dagdag pa niya.


Matatandaang naiulat ang pagsuspinde ng Twitter sa mahigit 300 accounts na nagpo-promote umano sa kandidatura ni dating Senador Bongbong Marcos dahil sa umano’y mgana paglabag sa ilang patakaran ng social media giant. 


Kilalang supporter at tagapagtanggol ng administrasyon ni Pangulong Duterte si Magno at ngayon ay suportado rin niya ang tandem nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 25, 2022



Permanente nang suspendido ang Twitter account ng internet personality na si Jam Magno dahil sa mga paglabag.


Ayon kay Magno, na kilalang supporter ni Pangulong Duterte, nagulat siya nang mapag-alamang sinuspinde ang kanyang Twitter account.


Sa isang screenshot na ibinahagi ng internet personality sa kanyang Facebook account na kalaunan ay binura rin, sinabi ng Twitter na ang naturang account ay lumabag sa Twitter Rules na naging dahilan ng permanenteng suspensiyon nito.


“Your account is permanently in read-only mode, which means you can't Tweet, Retweet, or Like content. You won't be able to create new accounts,” ayon sa warning nito.


Samantala, hindi sigurado si Magno kung ito ay dahil sa kanyang pagsuporta kay presidential candidate Bongbong Marcos o dahil sa hindi nito pagpabor kay Vice President Leni Robredo.


“HOW ON EARTH DID THIS HAPPEN? Uhm, should I be shocked? They just talked about this at the BBM interview. Am I part of the 300? I am 5000000 confused. Is it because I tweet against Leni? And because I like BBM?” ani Magno.


Noong May 2021, si Magno ay na-ban din sa video-sharing site na TikTok matapos umano ang “multiple violations of community guidelines.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page