top of page
Search

ni Twincle Esquierdo | December 5, 2020



Iniimbestigahan ng Philippine National Police ang tatlong posibleng motibo sa likod ng pag-atake nitong Huwebes sa Datu Piang, Maguindanao matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis at sundalo ang mga hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Ayon sa mga militar unang nagpaputok ng baril ang mga miyembro ng BIFF sa mga pulis at nagtungo sa town central at muling nagpaputok.


Kinilala ng pulisya sina Salahudin Hasan alyas “Salah” at Muhiden Animbang Indong alyas “Kumander Karialan” na pinuno ng 50 kalalakihan na sumugod sa poblacion area.

Sinunog din ng grupo ang sasakyan ng mga pulis, simbahan at paaralan ngunit wala namang naitalang nasugatan o namatay sa nasabing pag-atake.


Samantala, inalerto naman ang ibang Municipal Police Stations sa pobinsiya na malapit sa pinangyarihan ng pag-atake.


Batay kay PNP Chief General Debold Sinas, isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga imbestigador ay ang tunggalian ng mga local executives sa nasabing lugar at paghihiganti sa pagkamatay ng ibang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter.


“Among the motives that investigators are considering are political rivalry among the town’s local executives, revenge for the death of Bangsamoro Islamic Freedom Fighter member Abu Suffian in a police operation in Cotabato City last Dec. 1, and personal grudge against the Chief of Police of Datu Piang for the recent arrest of 2 BIFF members on drugs and firearms charges.”


The third motive is highly likely, said Sinas, because the Chief of Police was sought out by the armed men over the earlier arrest of its members who are relatives of the town’s vice-mayor,” sabi ni PNP Chief General Debold Sinas.

 
 

ni Twincle Esquierdo | December 3, 2020




Patay ang 3 bata matapos mahulog sa manhole sa Western Bicutan, Taguig City ngayong araw.


Ayon sa Taguig City Police chief na si Police Colonel Celso Rodriguez, ang dalawang biktima ay parehong anim na taong gulang at walong taong gulang naman ang isa pa at hindi na binanggit ang kanilang mga pangalan.


Dead-on arrival nang dinala sa pinakamalapit na ospital ang tatlong bata. Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung paano nahulog ang mga ito sa manhole.

 
 

ni Twincle Esquierdo | December 3, 2020




Ipinagpaliban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Huwebes ang pagpapasara ng U-turn slot sa General Malvar at Bagong Barrio sa Caloocan City hanggang sa susunod na taong Enero 4, 2021.


Batay sa advisory na inilabas ng MMDA mula sa kanilang Facebook account, “Ipinagpaliban muna ang pagsara ng U-turn slot na malapit sa General Malvar/Bagong Barrio. Sa January 4, 2021 na ito isasara. Manatiling nakatutok para sa karagdagang updates tungkol sa efforts ng MMDA para mapabilis ang biyahe sa EDSA Busway.”


Isasara naman ng MMDA ang ibang U-turn slot sa Balintawak Market sa harap ng BPI bank, Kaingin Road, sa harap ng Nissan, Congressional LRT Station, sa harap ng PANORAMA, Corregidor intersection/Bansalangin, sa harap ng Quezon City Academy, North Avenue bago MRT North Avenue Station at Oliveros Drive.


Sinisisi ng maraming drivers, lalo na ng mga jeepney drivers, ang mga saradong U-turn slots para sa mas bumigat na trapiko sa EDSA dahil nakadaragdag daw ito sa pagkonsumo nila sa gas at travel time.


Samantala, una nang sinabi ng MMDA na hindi nila inaasahan na magiging ganito kabigat ang trapiko kapag isinarado nila ang ilang U-turn slots.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page