ni Angela Fernando - Trainee @News | October 18, 2023
Matapos ang matagumpay na pagsungkit ng Gilas Pilipinas sa gintong medalya sa FIBA Basketball World Cup, mas nakatutok na ngayon ang atensiyon ng mga lokal na tagasuporta sa gaganapin na PBA games.
Upang mas maibahagi sa tao ang galing ng mga Pilipino sa basketball, ang Philippine Basketball Association at TV5 ay nakipagsanib-puwersa na sa A2Z bago magsimula ang nalalapit na ika-48 season ng PBA.
Sabi rin ng vice-president at general manager ng Zoe Broadcasting na si Rene Gonzalez, "A2Z is proud to be the new home of the PBA. We're delighted to partner with TV5 in this exciting venture so that we may provide our audiences with more programming options. Welcoming the PBA, an established sports institution, adds a new dimension to our current offerings."
Ngayon ay mas madali at libre na ang pagsubaybay sa mga grupo sa PBA games na kinagigiliwan at sinusuportahan ng madla.
Mapapanood na nang live ang PBA sa A2Z sa darating na Nobyembre 5, tuwing 4:00 PM-8:00 PM ng Miyerkules at Biyenes habang 3:00-6:15 naman tuwing Linggo.