top of page
Search

ni Lolet Abania | July 29, 2021



Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Huwebes ang alarma sa posibleng tsunami sa 'Pinas matapos ang magnitude 8.2 lindol na tumama sa Chignik, Alaska.


“An earthquake of this size has the potential to generate a destructive tsunami that can strike coastlines in the region near the epicenter within minutes to hours,” pahayag ng PHIVOLCS.


Ayon sa PHIVOLCS, sa ngayon, wala pang isinasagawang paglikas sa mga lugar sa bansa. Gayunman, pinayuhan ng ahensiya na patuloy na mag-monitor ang mga probinsiya gaya ng Batanes Group of Islands, Albay, Surigao del Sur, Cagayan, Catanduanes, Davao Oriental, Ilocos Norte, Sorsogon, Davao De Oro, Isabela, Eastern Samar, Davao del Norte, Quezon, Northern Samar, Davao del Sur, Aurora, Leyte, Davao Occidental, Camarines Norte, Southern Leyte, Camarines Sur, Surigao del Norte.


Samantala, naitala ng U.S. Geological Survey (USGS) ang lindol sa Alaska na nasa magnitude 8.2, na may lalim na 35 km.


Ang U.S. Tsunami Warning System ay nakapagtala naman ng pagyanig ng magnitude 8.1, at ang European-Mediterranean Seismological Centre (EMSC), naitala ang lindol na magnitude 8.0 na may lalim na 10 km.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 6, 2021




Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang New Zealand kagabi, Huwebes, bandang alas-9:21 PM (Philippine Standard Time) na may lalim na 10 km, ayon sa Phivolcs.


Kaagad na itinaas ang tsunami threat sa New Zealand at inaasahang magdudulot ito ng light to moderate damages lalo na sa mga lugar na malapit sa episentro ng lindol kung kaya’t nagbabala ang National Emergency Management Agency (NEMA) ng bansa at inabisuhang lumikas ang mga residenteng apektado ng insidente.


Pahayag ng NEMA, “This evacuation advice overrides the current COVID-19 Alert Level requirements. Do not stay at home if you are near the coast and felt the earthquake LONG or STRONG.


“Evacuate immediately to the nearest high ground, out of all tsunami evacuation zones or as far inland as possible. Stay 2 meters away from others if you can and it is safe to do so.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page