top of page
Search

ni Lolet Abania | July 1, 2022



Lumakas pa ang Tropical Depression Domeng na maging tropical storm ngayong Biyernes habang kumikilos itong pahilaga o northwards sa buong Philippine Sea, silangan ng extreme northern Luzon, ayon sa PAGASA.


Sa kanilang 11AM bulletin, batay sa PAGASA si ‘Domeng’ ay namataan sa layong 940 kilometro silangan ng Basco, Batanes, na may maximum sustained winds ng 65 km kada oras malapit sa sentro at gustiness na aabot hanggang 80 km/h.


Habang kumikilos ito pahilaga o northwards ng 15 km/h. Ayon sa PAGASA, asahan na ang monsoon rains sa buong Kalayaan Islands habang mahina hanggang sa katamtaman na mga pag-ulan ang mararanasan sa buong western sections ng Central at Southern Luzon.


“Occasionally gusty conditions reaching strong breeze to near gale in strength are also expected over Extreme Northern Luzon, the northern and western portions of Luzon, and the western portion of Visayas,” saad ng PAGASA.


“These conditions are more likely in coastal and mountainous/upland localities of these areas,” pahayag ng state weather bureau.


Ang naturang weather conditions ay dahil na rin sa Southwest Monsoon na pinalakas pa ni ‘Domeng’ at Severe Tropical Storm “Chaba”, dating ‘Caloy,’ ayon pa sa PAGASA.


Nananatiling nakataas ang Gale Warning sa buong western seaboards ng Luzon. Habang katamtaman hanggang sa maalong karagatan na aabot hanggang 4.0 metro ang mararanasan sa buong natitirang bahagi ng seaboards ng northern Luzon.


“These conditions may be risky for those using small sea crafts. Mariners are advised to take precautionary measures when venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditions,” babala pa ng PAGASA.


Batay sa PAGASA, posibleng lumabas si ‘Domeng’ sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Sabado ng umaga o hapon.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 8, 2021



Naging tropical depression na ang low pressure area sa bahagi ng Daet, Camarines Norte at tatawagin itong bagyong Maring, ayon sa PAGASA.


Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 505 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.


Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.


Sa ngayon ay sa Eastern Visayas ito magpapaulan pero dahil sa ITCZ ay may mga thunderstorm na magpapaulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 20, 2020



Nagbabala ang National Irrigation Administration sa posibleng pagbaha sa ilang lugar sa Isabela matapos magpakawala ng tubig ang Magat Dam ngayong Sabado dahil sa Tropical Depression Vicky.


Ayon sa NIA Central Office, itinaas ang Dam Discharge Warning No. 3 (Rapid Increase on Dam Discharge) nitong Sabado sa ganap na 1:00 PM dahil sa pagbubukas ng anim na Magat Spillway Gates.


Ang mga sumusunod na lugar ang maaaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam: Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, at Gamu


 
 
RECOMMENDED
bottom of page