'Pinas
ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 14, 2021
Pinalawig pa ng Pilipinas ang travel ban sa India hanggang sa katapusan ng Mayo dahil sa patuloy na paglala ng kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.
Extended din ang travel ban sa mga karatig-bansa ng India katulad ng Bangladesh, Pakistan, Nepal at Sri Lanka.
Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, "All existing travel restrictions of passengers coming from India, Pakistan, Nepal, Bangladesh and Sri Lanka are extended until May 31, 2021.”
Kasabay nito, epektibo na rin sa May 15 hanggang 31 ang travel ban sa mga biyahero mula Oman at United Arab Emirates (UAE).
Sakop din sa naturang restriksiyon ang mga may travel history sa UAE at Oman sa loob ng 14 na araw, ayon kay Roque.
Nilinaw din ni Roque na hindi kasama sa travel ban ang mga pasahero na nakalabas na sa UAE at Oman bago mag-May 15 at maaari pa ring makapasok sa Pilipinas ngunit kailangang sumailalim sa 14-day quarantine.