top of page
Search

ni Lolet Abania | September 4, 2021



Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na bawiin ang travel restrictions sa 10 bansa epektibo sa Setyembre 6, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Sabado.


Ang mga bansang nakatakdang i-lift ang restriksyon ay India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia, Indonesia.


Matatandaang ipinatupad ang travel ban bilang bahagi ng pag-iwas sa mas nakahahawang sakit na Delta variant ng COVID-19, kung saan magtatapos sana noong Agosto subalit pinalawig ng hanggang Setyembre 5.

 
 

ni Lolet Abania | July 15, 2021


Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagba-ban sa mga biyahero mula sa Malaysia at Thailand dahil sa panganib na idudulot ng mas transmissible na Delta variant sa bansa, ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III.


Gayunman, tiniyak ni Duque sa publiko na patuloy na minomonitor ng DOH Epidemiology Bureau ang COVID-19 outbreak sa iba pang mga bansa.


“Tinitingnan natin ang Malaysia, isa-isahin natin. Tinitingnan din natin ang Thailand kung saan merong parang hindi na mapigilan ang pag-angat ng Delta variant cases. ‘Yan ang ating binabantayan,” ani Duque sa Laging Handa briefing ngayong Huwebes.


“Pinag-aaralan na rin po ‘yan ng Epidemiology Bureau ng DOH at posible na magbigay ng rekomendasyon para sa IATF kung hahabaan ba ang listahan ng mga travel ban sa mga bansa,” dagdag niya.


Pinagtutuunan na rin ito ng pansin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para hindi na lumala pa ang pandemya ng COVID-19 sa bansa.


Sa hiwalay na Palace briefing, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na nakapagtala ang Malaysia ng record-high na 11,618 bagong COVID-19 cases nitong Miyerkules, kung saan may kaso ng Delta variant sa bawat bayan nito.


Ayon kay De Guzman, ang naturang variant ay kumalat na sa tinatayang 98 mga bansa simula nang ito ay unang matukoy noong December, 2020.


Subalit, giit ni De Guzman, ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine ay nananatiling epektibo laban sa Delta variant.


Samantala, isinama na ng IATF ang Indonesia sa listahan ng mga bansa na isinailalim sa temporary travel ban.


Ipinagbabawal ang mga biyahero na nanggaling sa Indonesia, India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman na epektibo hanggang July 31.


Nakapagtala naman ng 19 kaso na Delta variant sa bansa nitong July 4, kung saan lahat ay pawang mga returning overseas Filipinos.


 
 

ni Lolet Abania | June 18, 2021



Sinuspinde ng pamahalaan ang deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Oman sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Department of Labor (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.


“Yes, a POEA (Philippine Overseas Employment Administration) Board Resolution was issued suspending deployment of our workers to Oman,” ani Bello sa isang phone interview ngayong Biyernes.


Ayon kay Bello, isinagawa ang hakbang base sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ipagbawal ng Oman ang pagpasok sa kanila ng mga travelers mula sa Pilipinas.


“Last Monday, we received such referral from the DFA. They informed us that the Oman government came up with an order banning entry of Filipino travelers and even those travelers who passed through the Philippines,” sabi ni Bello.


“As such, the DFA recommended to us to suspend our deployment to Oman,” dagdag pa niya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page