top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | August 10, 2023




Nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Aurora Boulevard flyover sa Pasay City matapos araruhin ng 10-wheeler truck ang limang sasakyan na nasa unahan nito, Martes ng gabi.


Sa imbestigasyon ng Pasay Traffic and Parking Management Office, patungo sa Bacoor, Cavite ang trak at habang nasa flyover ay bigla umano itong nawalan ng preno at dumausdos kaya nabangga ang mga sasakyang nasa unahan.


Ayon naman sa pahinante ng trak na si JR David, maayos ang kundisyon ng kanilang trak bago bumiyahe mula sa Pampanga.


Nagtamo ng mga bahagyang sugat ang mga pasahero ng mga sasakyan habang na-trauma ang ilan. Mahaharap naman sa kaukulang kaso ang driver ng truck na hindi pinangalanan.



 
 

ni Jeff Tumbado @News | July 21, 2023




Nasa mahigit 100 pribadong sasakyan ang pinaghuhuli ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga miyembro ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) dahil sa pagbaybay nang ilegal sa EDSA busway sa bahagi ng Malibay, Pasay kahapon.


Ikinasa ang operasyon dahil sa mga ipinaparating na hinaing ng mismong mga komyuter sa bagong tatag na DOTr Complaint Hotline tulad sa paglabag sa batas-trapiko o “Disregarding Traffic Sign” alinsunod sa Republic Act 4136.


Ilan lamang sa mga naiparating na reklamo ay ang pagdaan ng mga pribadong sasakyan sa EDSA busway lane na nakalaan lamang para sa mga pampublikong bus, emergency vehicle, at sasakyan ng gobyerno.


Mahigit 100 motorista ang nahuli sa nasabing operasyon at lahat ay pinagtitiketan sa paglabag sa batas-trapiko.


Pinaalalahanang muli ng LTFRB ang mga motorista na dumaan lamang sa tamang kalsada partikular sa kahabaan ng EDSA upang iwas-abala at aksidente.


 
 

ni Mylene Alfonso | February 16, 2023



Nais ni Senador Raffy Tulfo na gawing mandato ang paglalagay ng mga timer sa lahat ng traffic lights upang makatulong sa kaligtasan sa mga kalsada at mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Sa kanyang inihaing Senate Bill No. 1873 o kilala sa “Traffic Light Timer Act”, sinabi ni Tulfo ang kahalagahan ng mga traffic light timer upang i-regulate ang daloy ng mga sasakyan at ang mga pedestrians sa mga interseksyon na lugar.


Sa sandaling maging ganap na batas, oobligahin ang Department of Transportation na magtalaga ng mga timer sa lahat ng traffic lights sa siyudad sa loob ng dalawang taon mula nang magkabisa ang naturang panukala.

Iminungkahi rin sa panukala ang multa mula P50,000 hanggang P100,000 sa sinumang tao, entity o local government unit kada traffic light na walang functioning timer.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page