ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 6, 2021
Dumagsa ang mahigit 700 turista mula sa NCR Plus sa Boracay noong Sabado matapos luwagan ng pamahalaan ang quarantine restrictions sa Metro Manila at kalapit na probinsiya.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, 718 ang mga turista mula sa NCR Plus.
Siniguro naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mahigpit na pagpapatupad ng mga safety and health protocols sa mga paliparan.
Kamakailan ay inaprubahan ng pamahalaan ang mga leisure activities sa NCR Plus papunta sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ simula noong June 1 hanggang 15. Inalis na rin ng pamahalaan ang age restrictions ngunit kailangan ding sundin ang mga health protocols at ang mga ipinatutupad na guidelines ng local government units (LGUs).