Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na iwasan ang pagsasagawa ng mass protests ngayong umiiral ang general community quarantine (GCQ).
Bilang responsableng mamamayan dapat umanong iwasan ang lahat ng gawain na posibleng magdulot ng human to human transmission ng COVID-19.
Dahil umano sa isinagawang mass action, nakompromiso ang public health at kapakanan maging ng mga ralista.
Una nang dinakip ang pitong estudyante na miyembro ng progresibong grupo makaraang magsagawa ng kilos-protesta para kondenahin ang Anti-terrorism bill sa harapan ng University of the Philippines (UP) sa Cebu.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Melbert Esguerra, nilabag ng mga nagprotesta ang pagbabawal sa mass gatherings.
Aniya, binigyan lamang nila ng 10-minuto ang mga estudyante para mag-disperse subalit, hindi sumunod.