Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ng karagdagang 16 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa press conference, sinabi ni Health Assistant Secretary Ma. Rosario Vergeire na 49 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Patuloy naman aniyang tinututukan ng kagawaran ang lagay ng mga pasyente para matiyak na walang maging kumplikasyon sa kanilang paggaling.
Sa ngayon, hindi pa umano masasabi na mayroon nang community transmission sa bansa.
Wala pa rin anilang naiuulat na hospital-acquired transmission ng sakit.
Samantala, nag-deploy na rin ang kagawaran ng surveillance teams para magsagawa ng extensive information-gathering at contact tracing activities sa mga bagong kaso.