Inilaan ng Makati City government para sa expanded Makati Economic Relief Program ang pondong P2.7 bilyon.
Ito ay magbibigay ng kaluwagan sa Makatizen sa panahon ng krisis na dala ng COVID-19
Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay, mahirap man o mayaman, nakatanggap man ng SAP o hindi, kahit saan mang sektor kabilang na mabibigyan ng ayuda.
Sa ilalim ng Programang Maka-Tulong P5K for 500K na nilagdaan ng alkalde noong Abril 21, magbibigay ang lokal na pamahalaan ng tig P5k sa bawat mamamayan ng Makati.
Lahat ng 18-anyos pataas ay makatatanggap ng tulong, kailangan lamang ay mayroong Makatizen card, Yellow card o botante ng lungsod.
Para makuha ang tulong, ang gagamitin ay ang makatizen app.
Nilinaw ni Mayor Abby na walang sinakripisyong programa ng lungsod para sa P2.7B expanded Makati Economic Relief Program, dahil mayroong mga programa na hindi na mai-implement dahil sa COVID-19.
Sinabi pa ng alkalde ang relief program na ito ang unang magiging contactless at transparent sa pamimigay ng tulong.
Binigyan-diin ng alkalde na kailangang magamit ang partial o buong ayuda sa loob ng 30 araw mula sa pagkakatanggap para manatiling valid.