Hindi muna matutuloy ang domestic flight operation sa mga local airlines company sa bansa.
Ito ay kasunod na rin ng inilabas na advisory ng Civil Aeronautics Board (CAB) dahil hindi pa umano inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mungkahi ng local airlines company na magpatuloy ang kanilang serbisyong pang-domestic air sa unang linggo ng Hunyo, 2020.
Dahil dito, pinapayuhan ng CAB ang mga airline company na kanselahin ang kanilang mga flight ng Hunyo 1 at itigil ang pagbebenta ng mga tiket para sa parehong petsa na nilagdaan ni Carmelo Arcilla, executive director ng CAB.
Ang ilang mga lokal carrier ay mahigpit na nakikipagtulungan sa gobyerno kung saan nababahala rin sa kanilang bagong anunsiyo sa nakatakda nilang fight schedule.
Naunang maglabas ng advisory ang Philippine airlines, Cebgo, at Cebu Pacific kaugnay sa kanilang mga flight schedule sa ilang lalawigan sa bansa ngayong buwan.
Nakahanda namang tumalima ang mga nabanggit na local carriers sa bagong direktibang inilabas ng CAB.