top of page
Search

Umakyat na sa 21,895 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases na naitala sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health, ito ay matapos silang may maitalang 555 na karagdagan pang kaso. Pero sa bilang na ito ay 378 ang fresh cases habang 177 naman ang late cases.

Sa mga fresh cases na ito, 67 ang mula sa National Capital Region, 104 sa Region 7, ang 204 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa, 3 naman mula sa hanay ng repatriates.

Sa mga late cases naman, ang 25 ay mula sa NCR, 63 sa Region 7 at 89 naman sa iba pang lugar sa bansa.

May 89 namang naitala na bagong nakarekober mula sa covid-19. Kaugnay nito, umakyat na sa 4,530 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus.

Habang may 9 namang naiulat pang nasawi. Lumagpas naman na sa 1,000 ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa virus na sa kabuuan ay nasa 1,003 na.

 
 
  • V. Reyes / G. Pleñago
  • Jun 8, 2020

Hindi muna itutuloy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng modified number scheme ngayong araw, Hunyo 8 dahil sa nararanasan pa ring limitadong pampublikong transportasyon na epekto ng umiiral na general community quarantine (GCQ).

Paliwanag ni Assistant Secretary Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, hindi pa naisasapinal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga bus route.

“Marami pa rin po tayong mga kababayan ang nahihirapan sumakay under GCQ kaya po kami sa MMDA ayaw po muna nating bigyan ng dagdag isipin ang mga motorista,” ayon kay Pialago.

“Sa ngayon po, hindi po muna ii-implement ang modified number coding scheme until further notice,” dagdag nito.

Batay sa MMDA Regulation 2020-001 series of 2020, exempted sa modified number coding scheme ang mga sasakyan na may pasaherong health workers at ang may sakay na dalawa o higit pang pasahero kasama na ang drayber.

Kinakailangan din umanong tiyakin na mayroong social distancing at pagsusuot ng face mask sa mga lulan ng sasakyan.

 
 

Nanawagan ang isang mambabatas sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensiya na magtulungan para mabigyan ng pagkakakitaan o pangkabuhayan ang mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

“Sa ngayon pa lang, marami nang business ang nagsara at dahil dito, marami na ring Pilipino ang nawalan ng trabaho,” ani Sen. Bong Go.

Ang paglobo umano ng kawalan ng trabaho ay posible ring makaapekto sa ekonomiya kung hindi maagapan ng pamahalaan.

Kamakailan nang iniulat ng DOLE na aabot na sa 2.6 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho dahil sa virus.

Samantala, malaki umano ang maitutulong ng Balik Probinsya, Balik Pag-asa (BP2) program, para sa mga apektado ng krisis.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page