ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 17, 2021
Mula sa Philippine Women's University (PWU), Manila ang topnotcher sa July 2021 Nurse Licensure Examination (NLE), ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Nakakuha ng markang 89.40% si Haydee Soriano Bacani ng PWU na nanguna sa “5,008 passers out of 7,746 examinees” sa naturang eksaminasyon ngayong buwan, ayon sa PRC.
Sinundan ni Liezl Mercado Tuazon ng Angeles University Foundation si Bacani at nakakuha ng markang 89%.
Sina Marlchiel Nathan Sungahed Arreglado naman ng Saint Paul University sa Tuguegarao City at Ana Maria Kim Ramos Vallente ng Capitol University, Cagayan Capitol College ang pumangatlo sa markang 88.60%.
Pare-pareho namang nakakuha ng markang 88.40% para sa ika-apat na puwesto sina Gregg Philip Lirag Palabrica (Ateneo de Davao University), Francis Miguel Carreon Rosales (University of the East Ramon Magsaysay Mem Medical CTR), at Micah Junabel Munar Ventanilla (Urdaneta City University).
Nakakuha naman ng markang 88.20 para sa ika-limang puwesto sina Yuljohn Taperla Beriña II (University of the Philippines, Manila), Angelie Mae Sophia Rabago Bonifacio (Bulacan State University, Malolos), at Renzo John Phillip Orgo Cabagay (Silliman University).
Samantala, ang Saint Louis University sa Baguio City ang number 1 sa top performing schools ngayon na nakakuha ng perfect score na 100%.
Sinundan ito ng Saint Paul University-Tuguegarao at University of Pangasinan na nakakuha ng 96.08%.
Ang Capitol University (For. Cagayan Capitol Coll.) naman ang nakakuha ng ikatlong puwesto sa markang 93.42%.
Samantala, ayon sa PRC, isinagawa ang July 2021 NLE noong July 3-4 sa mga testing areas sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.