ni Lolet Abania | June 3, 2021
Nasa 10,000 mula sa 80,000 na kasama sa Tokyo 2020 Olympic volunteers ang nag-quit, ayon sa organizers nito, kasabay ng mga nadarama nilang pagdududa sa Games kung saan 50 araw na lamang ang opening ceremony.
Ayon kay Tokyo 2020 chief Seiko Hashimoto, ang karagdagang pagpapaliban ng Games, na inilalabas ng isang Japan sports paper, at ang sinasabing kanselasyon nito ay mangyayari lamang kung may catastrophic circumstances o sakunang magaganap gaya ng hindi pagdating sa Japan ng maraming mga delegado.
Gayunman, ayon sa mga organizers, 50 araw na lamang mula ngayong Huwebes ay ipapabatid nila ang tungkol sa magaganap na medal ceremonies upang makahikayat ito sa publiko, sa kabila na karamihan ng mga tao sa Japan ay nagnanais na i-delay o kanselahin ang Games.
Sa ngayon, nakikipaglaban ang Japan sa pandemya na nasa fourth wave ng COVID-19 kung saan kabilang ang Tokyo at maraming bahagi pa ng naturang bansa ang nasa ilalim ng state of emergency na magtatapos isang buwan bago ang Games.
Nitong Miyerkules ng gabi, inianunsiyo ni Tokyo 2020 CEO Toshiro Muto sa local media, “Around 10,000 volunteers — who are vital to the smooth running of the massive event — have quit, largely over Coronavirus concerns.”
Ang iba naman ay nag-drop out, matapos na ang Games ay na-postpone nang isang taon.
Ayon sa opinion polls, ilan sa mga volunteers na kasama rito na nasa 80 porsiyento ng mga tao sa Japan ay tinututulan ang pagho-host ng Games ngayong taon.
Subalit, sa isinagawang surveys mula sa populasyon ng Tokyo, lumalabas na mas nahahati ang naging pasya sa pagitan ng pagpayag at pagtanggi ng kanilang mga mamamayan sa pagsasagawa ng Games.
Paliwanag naman ni Muto, “The reduction in volunteers would not affect the running of the Games because the event has been scaled back, so fewer people are needed.”