ni BRT @News | July 15, 2023
Guilty ang hatol ng isang korte sa Pasay City sa blogger na si Edward Angelo 'Cocoy' Dayao sa reklamo sa kanya ng pitong dati at kasalukuyang senador.
Matatandaang noong 2017 tinawag ni Dayao sa kanyang “Silent No More PH” blog post na “Malacañang lapdogs” o tuta ng administrasyon si dating Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.
Bunga nito, inireklamo ang blogger ng cyber libel alinsunod sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 noong Hulyo 13, 2018.
Kasama rin sa naturang bansag sina Sens. Aquilino 'Koko' Pimentel III, Juan Miguel Zubiri at Cynthia Villar maging sina dating Sens. Manny Pacquiao, Gregorio Honasan, at Richard Gordon, dahil sa hindi umano nila paglagda sa resolusyon na kumukondena sa pagkamatay ng ilang menor-de-edad sa war against drugs ng administrasyong Duterte.
Sa desisyon ni Acting Presiding Judge Gina Bibat-Palamos, ng RTC Branch 111, pintawan si Dayao ng dalawa at kalahating taon hanggang apat na taon at limang buwang pagkabilanggo.