ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 1, 2021
Tinanggal ng TikTok ang account ng 7 million users na nasa 13- anyos pababa, ayon sa operator ng naturang social media app noong Miyerkules.
Inalis din ng TikTok ang 62 million videos na lumalabag sa community standards kabilang na ang mga “hateful” content, nudity, at harassment.
Samantala, ayon sa TikTok, mayroon silang safety moderation team na nagmo-monitor ng mga users kabilang na ang edad ng mga ito.
Tinatayang aabot din sa 1 billion ang users ng TikTok worldwide kaya nagiging mas maingat ang pamunuan ng naturang app sa mga content na inia-upload ng mga users at gamit ang automated systems ay nade-detect at naaalis nila kaagad ang mga offensive contents.
Saad pa ng TikTok, "Our TikTok team of policy, operations, safety, and security experts work together to develop equitable policies that can be consistently enforced.
"Our policies do take into account a diverse range of feedback we gather from external experts in digital safety and human rights, and we are mindful of the local cultures in the markets we serve."