top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 6, 2024




BANGKOK, Thailand - Nagpaplano ang gobyerno ng Thailand na agad na maipasa ang isang batas upang pigilin ang mga tao mula sa paggamit ng cannabis para sa bisyo o paglilibang.


Sumunod ang desisyong ito matapos na gawing legal ang cannabis noong 2022.


Maraming tindahan ng cannabis ang nagbukas, lalo na sa Bangkok, na nakababahala sa ilang mga tao na nais ng mas mahigpit na mga patakaran.


Sinabi ng health minister na si Chonlanan Srikaew nitong Martes na isang bagong panukalang batas na nagbabawal sa recreational use ng cannabis ang ihaharap sa susunod na linggo sa pulong ng kabinete.


“The new bill will be amended from the existing one to only allow the use of cannabis for health and medicinal purposes,” pahayag ni Srikaew sa mga reporteers.


Madalas na nagpapahayag si Prime Minister Srettha Thavisin, na umupo sa puwesto noong nakaraang Agosto, tungkol sa kanyang pagtutol sa recreational use ng droga at sinabi na dapat lamang itong payagan para sa medisinal na gamit.

 
 
  • BULGAR
  • Mar 4, 2023

ni Mabel Vieron (OJT) | March 4, 2023




Ni-raid ng Thai investigative police ang isang condo sa suburb ng Bangkok na tinataguan umano ng isang smuggler ng droga na ilang buwan nang tumakas.


Kinilala ang suspek na si Saharat Sawanjaeng, 25, isang Thai national at residente ng Bangkok.


Ayon sa pulisya, sumailalim sa maraming plastic surgery ang suspek hanggang sa hindi na ito makilala.


Si Sawanjaeng ay pinaghahanap mula noong nakaraang taon dahil sa umano'y pag-import ng higit sa 2,500 gramo at 290 tablet ng MDMA.


Umamin umano si Sawanjaeng sa pagkakaroon ng worldwide connections, na kinasuhan ito ng habambuhay na pagkakulong dahil sa pag-import at ilegal na pamamahagi nito sa Thailand.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 13, 2022


Nagpaalala ang health authorities ng Thailand ngayong Valentine’s Day sa mga couple na gawin ang safe pandemic sex — tulad ng pagsusuot ng face masks habang nagtatalik.


Ang daily coronavirus case numbers sa Southeast Asian tourism hub ay umakyat ng 8,000 sa simula pa lamang ng buwan.


Ayon sa mga health authorities, posibleng ngayong February 14 ay tumaas ang kaso ng COVID-19.


“Covid isn’t a sexually transmitted disease, but catching Covid is possible through close-contact breathing and exchanging saliva,” ani Bureau of Reproductive Health director Bunyarit Sukrat sa pahayag sa Agence France-Presse (AFP) nitong Biyernes.


Inirekomenda rin niya na magsagawa ng antigen test bago ang kanilang date upang maiwasan ang hawahan.


Ayon pa kay Bunyarit, “lovers are urged to avoid face-to-face sex positions and deep kissing” at pinapayuhang gumamit ng contraceptives kung nais maiwasan ang unwanted pregnancy.


“If possible, wearing face masks while having sex can help reduce Covid risks,” aniya pa.


Popular ang Valentine’s Day sa Thailand at kinokonsidera bilang masuwerteng araw para magpakasal ang mga couples.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page